Chapter 5

7 2 0
                                    

Crush





Pabiro kong sinabunutan si Leo.

"Kainis ka! Kung ano anong mga pinagsasabi mo!"

"Aray! Ano ba! Kunwari kapa! Kinikilig ka rin naman!" Angal niya habang inaalis ang kamay ko sa buhok niya.

Hinila ko ang buhok niya at kinurot. Okay naman sana kung isang beses lang siya nagsalita kanina, eh. Kaso ilang beses at kung ano ano pa pinagsasabi. Mamaya kung ano na isipin sa'kin ni Sir Noah!

"Oo pero sumobra ka! Nagmukha akong patay na patay kay Sir!"

"E 'di mag thank you ka na lang kung kinilig ka pala- Aray! Yung hair ko, Syl!"

Binitiwan ko ang buhok niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Samantalang parang wala lang sakanya iyon at ngumisi pa.

"Wag ka ngang oa diyan. Parang wala lang naman kay Sir Noah yung mga pinagsasabi ko," alu niya at inayos ang buhok.

Magsasalita sana ako nang may grupo ng mga babae kong kaklase ang pumunta sa harap ko. Kung tama ako, sila Heaven ata yun, ang may balak tumakbo sa pagiging president sa room at sa SSG.

Inabot niya ang kamay sa'kin.

"Welcome to the club!" Maligaya niyang sabi.

Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. Huh? Anong club naman ang tinutukoy niya?

Natawa siya sa ekspresyon ko at nabasa ang pagkakalito kaya agad siyang sumagot.

"Samahan ng mga may crush slash gusto kay Sir Noah!" Sagot niya na para bang isang karangalan na mapasama ako roon.

Nakatinginan kami ni Leo. Gusto niyang matawa pero pinipigilan niya lang. He's crazy for Sir Noah, I am too, but we both know we won't come this far just by having a crush on him! Grabe naman, hindi ako na-inform na may club pala ang mga may crus kay Sir!

Kinagat ko ang labi ko at tiningala si Heaven. Ang mga babae sa likod niya ay nakangiti rin sa akin, winiwelcome ako. Pero hindi ko inabot ang kamay niya.

"Pardon? Club?" Ako na naguguluhan pa.

Ibinaba niya ang kamay nang napansin na hindi ko iyon inabot. Nanatili naman ang ngiti niya na para bang naintindihan ang ginawa ko. Na ayos lang at handa naman siyang magpaliwanag.

"Yup! Our club is called, 'Lovers of Noah'. Ang mga members sa club na iyon ay magtutulungan para mapalapit at makasalamuha si Sir. This is your chance! Be an official member at nang matulungan ka namin! Malay mo, hindi ka lang niya mapansin, baka magustuhan na rin!"

The fuck? Really? Totoo ba 'to? Anong kabaliwan naman 'to?

Natatawa ako na umiiling. "I'm sorry, I'm not interested. Crush ko lang si Sir, I have no plans on making a move nor make papansin to him. But thanks for the offer," pagtanggi ko.

Sumabat din si Leo. "Syl is right. Talaga bang may ganyang club? At sino naman pasimuno niyan? For sure marami na kayong members diyan?" Natatawa rin siya.

Although we're taking it lightly and as a joke, mukha namang seryoso si Heaven sa sinasabi. I can see the eagerness in her to encourage us that their club matters in this world.

"Miss Joana Delos Reyes is the founder. And yes, marami kaming members. This year, one hundred plus ang dumagdag, kaya nasa halos five hundred members na kami," sagot niya.

Nagkatinginan ulit kami ni Leo. Alam kong pareho kami ng nasa isip. Na isa itong kabaliwan! Alam ko namang marami ang may gusto kay Sir Noah. Pero hindi ko inexpect na aabot sa ganito! Na may pa-club pa! Parang artista lang?

Stars In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon