Chapter 17

6 1 0
                                    

Secret



Tahimik siya at busangot ang mukha throughout the movie. Hindi niya ko pinapansin kahit pa tinatawag ko siya. Natatawa ako at umiling nang pang sampu ko na atang tawag ay hindi pa rin niya ko nilingon.

I stopped teasing him when he grabbed my hand that's poking his arm and held it tight.

"Stop it, Syl. Manood kana lang," masungit niyang sabi.

Ending, wala akong naintindihan sa pinanood ko. Pinakiramdaman ko kasi si Noah buong movie. Siya naman ay nakatutok lang kahit pa alam kong napilitan lang siyang panoorin ito. I think he prefers Oppenheimer but still chose to watch Barbie with me.

We went to a restaurant outside the mall after. Hindi ko iyon first time sa mga high class restaurant since madalas kami roon kasama si Papa. But I'm surprised he brought me there and even reserved us a seat.

First time ko sa restaurant na iyon kaya nagulat ako. Ngayon ko lang din alam na may ganito rito. This restaurant is famous in Manila. I didn't knew they already have a branch here.

Most of cuisines there are Thailand foods. Paborito ko iyon. Kaya nang papiliin niya ako sa menu, iyon agad ang pinili ko.

When the waiter left, agad ko siyang tinanong.

"Why did you bring me here?"

Sumimsim siya sa tubig at nilapag iyon.

"I've read your essay in Creative Writing. You said you like Thailand foods."

"What? Paano mo naman nabasa?"

"Nahulog noong chinicheck ni Ma'am Tina. Pinulot ko, and I saw your name. I secretly borrowed it."

That was last week!

"Tss. Stalker," I said to hide all my emotions inside.

"Kahit hindi ko mabasa ko 'yon. Dadalhin at dadalhin pa rin kita dito. We eat here often, with my family."

Tumango ako at kinagat ang labi. Pumupunit ang ngiti sa labi ko. So, this place is important to him, huh? Kaya niya ako dinala rito?

Hindi nagtagal ang dumating na rin ang mga pagkain. Kumain na kami dahil anong oras na rin. Habang kumakain ay kinwento ko ang tungkol sa restaurant na ito at kung ano ang kaibahan niya sa branch sa Manila. He seriously listened and didn't bring what happened earlier. Kahit ako ay ayoko na rin pag-usapan. I'm okay with it, but I sensed he's not comfortable talking about it.

Pervert ka kasi, self!

Whatever. I'm just like that when it comes to him.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa Mall at namasyal doon. I said I want to buy new clothes and we went to the shop where I want to.

"You sure you'll wait? Pwede kang mamili rin ng damit mo," alok ko dahil matagal akong pumili ng damit.

Umiling siya. "Dito lang ako. I'll wait."

Lumapit na sa amin ang mga saleslady na naroon. Bale apat ang nasa store. Ang isa ay lumapit kay Noah at ang isa ay sa akin.

I watched how the saleslady scanned him from head to foot. Iminuwestra sakanya ang sofa na naroon. But my Noah politely refused and came near me.

"Do you want me to help you in choosing or-"

"Hindi na. Kaya ko na 'to. Hintayin mo na lang ako and, give some feedbacks kasi isusukat ko lahat," nakangiti kong sabi.

Saglit siyang tumitig sa'kin. I assured him that it's okay at maupo na lang siya. Kinailangan ko pang samahan sa sofa at hintaying mag settle down doon.

Stars In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon