Chapter 2

13 2 0
                                        

Name




"Ang pogi ni Sir! Gusto kong magwala!"

As usual, ang mga litanya ni Leo ang naririnig ko habang pauwi kami. Sinasabayan naman siya ng iilan naming kaibigan. Tahimik lang akong nakikinig at wala namang masabi.

"Pogi talaga yun, single pa nga raw," balita ni Angela, isa sa mga kaibigan namin.

"Talaga? Ibig sabihin may pag -asa ako?"

"Sorry to say, Leo. Straight si Sir, eh."

"No problem, babalikuin ko!" Balik ni Leo at nagtawanan sila.

Bumuntonghininga ako at tinignan na lang sa malayo si Mang Karding, ang caretaker ng bukid. Pinapakain niya ang nag-iisang baka na naroon.

"Syl, ang tahimik mo naman?" Kalabit sa'kin ni Leo.

Napatingin ako sakanya. "Wala kong masabi, eh."

"Sus! Magtigil ka! Kanina, ang tinginan niyo ni Sir nakita ko! Imbyerna ka! Mang-aagaw!" Asar niya at sinubukan akong kilitiin.

Alam ko namang mapapansin niya yun. Hindi ko lang alam na sasabihin niya pa ngayon! Baka anong isipin ng mga kasama namin!

"Excuse me? Anong mang-aagaw? Sa'yo na. At tinginan? Baka hindi ako, si Kristine siguro yun," rebat ko.

"Weh, Leo? Paanong tinginan?" Kuryusong tanong ni Angela.

"Ganito oh!" Si Leo na umarteng tila tuta na inlove.

Namula ako. Hindi naman ganoon yun! Oa ang isang 'to!

"Hoy hindi ganyan ah! Imagination mo!" Angal ko.

"Anong hindi ganito eh kitang kita ko nga? Crush mo na ba si Sir Noah, Syl?"

"H-Hindi 'no!"

"Yiieee ikaw ah!"

Pinilit ko ang sarili na sumimangot at hayaan na lang sila. Dahil kung sasabayan ko, baka pati ako ngumiti na rin ng parang wala sa sarili! Hanggang sa makauwi kami sa kanya kanyang bahay ay hindi pa rin napawi ang asar nila sa akin. Lalo na si Leo na kinindatan pa ako bago sumakay sa sasakyan nila.

Pabagsak akong humiga sa kama at tumitig na lang sa kisame. Handa na akong matulog nang maisip na naman si Sir Noah.

Crush ko ba talaga siya?

Alam ko naman kung kelan ko masasabi na crush ko ang isang tao. Hindi naman ako ignorante pagdating sa bagay na iyon. I've had many crushes before. Tumitibok din ng mabilis ang puso ko sa tuwing nakikita ko sila at kinikilig din. Pero hanggang doon lang. Nang suklian nila ang paghanga ko at umamba nang manliligaw, doon naman ako umaatras at nawawalan ng feelings. Iyon din ang dahilan kung bakit no boyfriend since birth ako.

Pero bakit parang feeling ko iba itong ngayon? Mas malala pa sa dati.

Huminga ako ng malalim. Siguro nga crush ko si Sir Noah? Wala namang masama roon. Tsaka, happy crush lang siguro. Mawawala rin kalaunan.

Nakatulugan ko ang pag-iisip. Nagising na ako dahil sa alarm. Bumangon na ako at naghanda na agad. Naabutan ko pa si Mama na nagluluto kaya tinulungan ko. Sabay din kaming kumain at nang matapos ay nauna na siyang unalis para sa trabaho.

Naligo na rin ako at nagbihis. Hindi nagtagal ay paalis na rin at nakasabayan ko na si Leo. At gaya ng inaasahan, siyempre, si Sir Noah na naman ang bukambibig. Hindi nga lang talaga siguro ako magsasawa.

"Tinanong ko si Papa tungkol kay Sir. Confirm, single pa raw. At ready to mingle!" Balita niya sa akin.

Tumingin ako sakanya at inisip kung ishishare ko ba na crush ko rin si Sir Noah. Wala naman sigurong masama at hindi naman niya pag-mamay-ari si Sir. Isa pa, best friend ko naman 'to.

Stars In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon