Watch
Dahil sa narinig, nawala lahat ng nireview ko. Ang result, average score lang ang nakuha ko. Frustrated na nga ako sa mga nangyayari, tapos ganito pa!
Tulala ako nang matapos ang araw. Kating kati na akong mag share kay Leo pero may humihila talaga sa aking huwag na lang. Gusto ko lang sanang sabihin ang mga bumabagabag sa akin kaso ay ayoko namang pati siya ay mamroblema.
The whole week was hell. Wala ako sa sarili at hindi ko sinabi kay Noah ang narinig ko. Halata niya sa mga kilos ko ang pagiging stress pero ni isa ay wala akong sinabi.
Ayokong sabihin. Bukod sa problema iyon na dagdag pa sakanya, nagrereview din siya para sa paparating niyang exam. It's important for him to pass the bar exam. Kaya dapat ay wala siyang iisipin na kahit ano bukod doon.
We would sometimes go out on a weekend and talk about his reviews. Lagi kong pinupunta sakanya ang topic. Pinili ko ring kalimutan muna ang narinig. Wala namang favoritism na nagaganap. And the suspension of quiz, lahat naman kami ay nakinabang. If there's a favoritism, sana ay naging madali lahat ng quiz dahil iyon ang request ko sakanya, pero hindi naman nangyari. Dapat nga ay thankful sila sa akin, dahil magbebenefit naman din sila if ever. Hindi naman ako selfish. I know we all struggle in his subject. But this man in front of me is ruthless. He never bend down on me when it comes to his subject.
"You need to memorize that all," turo niya sa notebook ko.
Asa isang coffee shop kami ngayon, sa ibang bayan. Pinili ko talagang malayo sa amin para iwas issue na rin. He said there's nothing to worry about pero nagpumilit ako. Hell, yeah. Nothing to worry, at hihintayin pa naming magkaroon?
"All of this? Under the legislative branch?!"
He mercilessly nodded.
Gusto kong ibato sakanya ang notebook ko. See? Anong favoritism na nangyayari? Never! Magtatatlong buwan na! Paparating na ang exam at hello? Never siya nag consider! There's also one time na iisa ang wrong ko, at pwede naman iconsider dahil kulang lang ng letter ang spelling, hindi niya tinanggap! M.U na kami nun, ah?
Natawa siya nang sumimangot ako. Hinampas ko ang braso niya. Uminom lang siya ng kape at pinagmasdan ako.
"This is a piece of cake to you. You're one of the running for highest honor this quarter," he languidly said.
"Even so! We're not robot! Wala na bang idadali ang quiz mo?"
"How can you learn if it's always an easy quiz?"
That is his always answer whenever I say this! Oh diba? Ano? May maisusumbong pa ba kayo kay Abby?
Natigilan ako nang maalala. Abby? Si Abby ba na nasa bahay nila Noah ang tinutukoy nila? Is she the girlfriend? Wow, the audacity na ipakilala ang sariling girlfriend. Ni hindi nga siya gusto kahit noon pa man nagpu-pursue kay Noah! Paano naman kaya niya nakilala ang mga classmates ko?
That girl! She's a creepy stalker!
Inirapan ko lang siya at nagbasa na.
"Wala kang awa. Kada quiz sa subject mo, lagi kaming kinakabahan. Hindi ka ba naaawa sa'min?" Sabi ko without looking at him.
Hindi siya sumagot kaya napatingin ako.
He is seriously staring at me. Hawak hawak niya ang baso ng kape na iniinom.
"In this case, no one will say there's an unfair system. Na kahit girlfriend na kita, kapag nalaman nila, hindi nila maisusumbat na naging unfair ako."
Nilapag niya ang kape at hinawakan ang kamay ko.