Warmth
Okay. This is okay. This will be okay. And I have no choice but to accept it.
Pero gusto kong maiyak at umalma. Hindi pwede! Ayoko! Crush ko man si Sir Noah, ayaw ko naman na makita niya ang dark side ko! I can't imagine him watching me as I vomit my stomach out. Nakakahiya! Sobrang nakakahiya talaga.
Nagkatinginan kami ni Leo. Malaki agad ang ngisi niya. Samantalang sigurado ako na halata sa hitsura ko ang disgusto sa nalaman.
"I'm sorry, Leo. Hindi kasi pwede ang hindi kasali sa quiz bee," paliwanag ni Sir Bryan.
Tumango ang kaibigan ko. "Okay na okay lang po, Sir Bryan. No problem po," sabi niya at nilakihan pa ang ngisi.
Tuwang tuwa siya. Habang ako, gusto na lang umatras.
Naiiyak ako habang paalis kami. Lalakarin namin ang highway at doon maghihintay ng bus. Huling tingin ko kay Leo, ay tingin na humihingi ng tulong. Hindi ako maka imik. Bawal naman daw kasi. Kaso lang, ayoko talaga na si Sir Noah ang mag-aalaga sa'kin. Pwede naman si Sir Bryan na lang.
Tumalikod na ako at sumunod na sakanila. Nakita kong naghihintay si Sir Noah sa'kin dahil medyo nahuli ako sa paglalakad.
"Ayos ka lang?" Nag-aalala niyang tanong.
Ganun ba kahalata sa mukha ko para magtanong siya?
Nag-init agad ang mga pisngi ko. Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko at tumango. Nagtagal ng ilang segundo ang tingin niya sa'kin bago binalik sa harap at sinabayan na ako sa paglalakad. Nanatili naman akong nakatingala sakanya.
Ang sarap magmura. Kahit sino naman siguro hindi gugustuhin ang sitwasyon ko, 'di ba? Gusto ko lagi akong fresh at maganda sa mga mata ni Sir Noah! Paano na lang yun ngayon e makikita na niya ako sa worst state ko?! At for sure, mabaho ang suka ko, maaamoy niya pa?! At maririnig niya siyempre ang nakakadiring tunog ng pagsusuka ko?! Tapos kadiri pa iyon! For sure mawawala na ang pag-asa ko na magustuhan niya.
As if naman may pag-asa talaga. Pero kahit 0.1% lang, ganun na nga lang kaliit, mawawala pa?!
Naiiyak na talaga ako. Binaba ko ang tingin at pinigilan ang luha. Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko. Kung bakit iyon pa ang inaalala ko imbes na magpasalamat na lang dahil nandiyan siya para alagaan ako. Pero nakakainis kasi sa edad kong 'to mahina pa rin ako sa biyahe! Malas naman, oh!
Limang minutong lakaran bago marating ang highway at ang bayan. Tahimik ako habang naglalakad. Naguusap sila Sir Bryan sa harap kasama sila Robert. Hindi naman ako makasabay dahil bukod sa nasa likod, tahimik ang katabi ko, at abala ako sa kaiisip ng kalalagyan ko mamaya.
Habang naglalakad, aksidente pa akong natapilok dahil hindi ako nakatingin at tulala lang. Muntik pa akong matumba, kung hindi lang ako nahawakan ni Sir Noah ay malamang sumalampak na ako sa lupa!
Nahawakan niya agad ako sa braso at inalalayan. Nagkatinginan kami. Ngayon sigurado ako na kasing pula na ako ng kamatis.
"S-Sorry Sir," sabi ko agad at hinila ang mga braso. Umayos agad ako ng tayo.
"Is there something that's bothering you? Kinakabahan kaba sa quiz mamaya?" Punong puno ng pag-aalala ang boses niya.
Nasabi kong mahirap basahin ang mga mata niya pero ngayon, na nakadungaw siya sa'kin, ay kitang kita ko ang purong pag-aalala.
Bumilis ang tibok ng puso ko. At lalo lang akong nahuhulog habang nakatingin sa malalalim at mapupungay niyang mga mata. Parang nakalimutan ko na nagrereklamo ako kanina. Sandali akong napatitig. Pero natauhan din kalaunan.
