Score
"Oh? Nandiyan si Sir?" Salubong sa'kin ni Leo.
Tumango ako. Inisip kung dapat ko bang ikwento na binigyan ako ni Sir ng index card. Sa huli, nagpasya na lang na hindi na. Maliit lang naman na bagay iyon at walang malisya. He only cares for me as his student. Lalo ko lang tuloy siyang naging crush.
"Anong sabi? Pinagalitan ka ba?"
"Hindi. Kinuha lang yung mga index cards," sagot ko at nauna na sa paglalakad.
Wala naman na siyang sinabi kaya bumalik na kami sa room. At dahil naroon agad ang subject teacher para sa Introduction to Human Philosophy, wala na akong panahon pa para isipin ang nangyari kanina.
Kahit nung dumating na ang lunch at uwian, iyon pa rin ang nasa isip ko. Nagpasya ang mga kaibigan na tumambay muna sa milk tea shop kaya hindi muna agad kami umuwi. At as usual, si Sir Noah na naman ang topic.
"Feeling ko beh hindi yun pumapatol sa mas bata," si Angela nang magsimula na naman si Leo sa mga imaginations niya.
Tahimik lang ako namimili kung ano ang oorderin. Tapos na kasi sila at nakapili na.
"Paano mo naman nasabi? At tsaka hindi mo sure."
"Gaga, sure ako. Yung classmate ko nga, yung ate raw niya ka-batch ni Sir noong college. May umamin raw sakanya na first year, e fourth year na sila nun. Nireject daw agad ni Sir," kwento ni Angela.
"Baka panget si ghorl?"
"Bruha, hindi ah! Nanalo nga raw yun sa pageant dati. At kahit ngayong fourth year college na, she's still pursuing Sir Noah daw."
"Wow! Grabe naman ang effort. Talagang nahumaling nang husto kay Sir, ah."
"At eto pa..."
Saglit akong nawala sa pakikinig nang itinuro na ang napili ko. Tinanong ako sa sugar level at toppings kaya nawala ang atensyon ko sa kwentuhan. Tahimik lang din ako nang natapos at hindi nakisali sa usapan pero nakikinig. Kunwari'y abala sa cellphone nang naupo pero napaisip.
Bakit naman kaya niya nireject agad yung babae? At wow, ah. Talagang siya pa ang nililigawan? Sabagay...
"So walang pag-asa si Sylvester niyan?" Singit ni Leo.
"Huh? Bakit? Crush mo ba si Sir Noah, Syl?" Gulat na tanong ni Angela.
Inirapan ko ang bakla. Hindi ko naman tinatago. Pero ayaw ko lang na malaman ng iba. For sure marami ang nagkaka crush kay Sir. Parang ayokong dumagdag pero kasali na nga.
Hirap kong pigilan ang ngiti nang tumango. "Oo. Ang cute, eh."
"Wag na kayong umasa. Pati mga classmates ko, may crush sakanya. Pero talagang hindi niya bet ang mas bata."
"Malay mo naman nagbago na ngayon ang type niya, diba?" Si Leo na umaasa pa rin.
Umayos ako ng upo. "Hindi naman ako umaasa. Crush ko lang naman, hanggang doon lang. Sinabi ko bang gagawin kong boyfriend?"
Kinurot ako ni Leo. "Wag ka nga! Feeling ko bet ka ni Sir! Nagandahan ata sa Spanish features mo bading!"
Nagtawanan kami. Naputol ang kwentuhan dahil dumating na ang order. Sinamahan namin ng siomai ang order na milk tea. Kaya naabala muna sa pagkain.
"Paano mo naman nasabi, Leo?" Si Angela na naiwan ang isipan sa komento ni Leo.
"Naku, wag ka maniwala diyan. Yung imagination niyan hindi mo ma-reach," sabi ko at sumubo ng siomai.
Sasagot na sana si Leo at handa nang pabulaanan ang sinabi ko nang napatingin kami sa biglang pumasok. And speaking of... Natigilan kami at natahimik nang pumasok si Sir Noah.
