Care
Sa loob ng halos dalawang buwan na pasukan, ngayon ko lang hiniling na sana hindi ko nakilala si Sir Noah. O sana, hindi na lang ako nag-aral pa rito sa school na 'to. O sana, hindi na lang dumating ang school year na ito.
Hiyang hiya pa rin ako sa nangyari, pero si Sir Noah ay parang wala lang at seryosong sinasabi ang mga kailangan naming gawin. Nandito na rin ang dalawang STEM student at si Robert pa yung isa.
Nasa gilid lang ako, tila nagtatago sa likod ni Robert.
Kung kanina ay nakaupo ako sa swivel chair ni Sir, ngayon ay nakatayo na ako dahil hindi ko na kayang tumabi pa sakanya.
I swear I'll never forget how Sir Noah handed me his own, take note, OWN handkerchief for me to wipe the phlegm on my skirt!
Kung kelan kailangan ko, tsaka ko pa nakalimutan magdala ng sarili!
Agaran kong pinunasan ang plema at dali daling nag excuse para pumunta sa cr. Hinugasan at sinabon ko pa ang parte kung saan napunta ang plema kanina. Halos maubos din ang alcohol ko mawala lang ang amoy, lagkit, at germs.
"Okay ka lang?" Pabulong na tanong ni Robert.
Tumango ako. Halata siguro sa hitsura ko ang hiya sa nangyari kanina. Nakayuko lang kasi ako at hindi makatingin kay Sir Noah na nasa harapan namin.
"Kinakabahan ka ba? Don't worry, mag-gu-group study tayong dalawa-"
"You're not allowed to do group study on your own. You can only review here at school or in your house. Hindi kayo pwedeng magkita kita para lang mag review," singit ni Sir Noah na ikinatigil ni Robert, narinig ata ang pinag-uusapan namin.
Napa-angat ako ng tingin. Kunot ang noo niya at mula kay Robert, lumipat sa akin ang tingin niya. Umiwas agad ako at sa sahig na lang tumingin.
"Kada uwian, diretso kayo dito. We'll do your group study here. Bibigyan ko rin kayo ng reviewer ninyo so you can review on your own," dagdag ni Sir.
Tumango kami lahat at nakinig lang sa mga sinasabi ni Sir. Gusto ko sanang umatras at sabihin na si Anton na lang kaso hindi ako makasingit. Nakakahiya rin kung sisingit pa ako. Baka magalit si Sir. Dapat nga ay dahil sa nangyari kanina, umalis na agad ako.
Hindi naman siya maarte, hindi ko siya nakitaan ng arte kanina. Gulat, oo. Pero pandidiri o ano pa man, wala.
Lalabhan ko talaga ng mabuti ang panyo niya mamaya. At para maibalik na rin agad dahil may brand pa ang panyo niya!
Iyon nga ang ginawa ko pag-uwi. Habang kinukusot ang panyo, binasa ko ang brand na naroon.
Pierre Cardin.
Gusto kong magmura. Pati ba naman panyo, gwapo???
Tangina. Pati panyo mo Sir Noah ang lakas ng dating. Kanina rin nang inabot ay mabango, iba ulit sa inispray niya na dahilan ng pagbahing ko.
Ano naman kaya ang brand ng pabango at mukhang ang dami naman? Paiba iba rin siya, ah.
Ayon kay Sir Noah, tatlong subjects ang quiz bee. Fifty items each at lahat iyon iti-take namin. Ang ibang bayan na school ang kalaban namin. At doon din iyon gaganapin kaya excuse kami sa araw ng quiz bee. Iyon nga lang, kinabahan ako dahil para makarating doon ay kailangan sumakay ng bus. Mahina pa naman ako sa biyahe. Sa tuwing sumasakay nga ako sa de-aircon na sasakyan nila Leo ay nakabukas ang bintana para lang hindi ako magsuka.
Next month ang quiz bee. May dalawang linggo pa kami para mag review. Minsan ay tumutulong din si Sir Bryan sa pag review sa amin tuwing uwian. Silang dalawa ni Sir Noah sa room namin, at minsan naman mag-isa lang ni Sir Noah at sa faculty kami nagrereview lahat.
