Chapter 1

18 3 0
                                        

Difficult




Hindi na nabura sa isip ko si Sir Noah. Na kahit sa pag uwi, iniisip ko kung ako ba talaga ang tinitignan niya o si Kristine na nasa likod ko. At hindi ko alam kung bakit kahit iniisip ko lang siya, bumibilis na ang tibok ng puso ko.

That's weird. Siguro ay kinakabahan lang ako sa subject niya?

Because I'm not into politics. Non partisan nga ako sa nakaraang eleksyon. Hindi ako maka relate sa mga taong halos magpatayan na sa social media maipaglaban lang ang kandidato nila. Hindi ko mawari sa isip ko kung bakit nila ginagawa yun? Why the need to act like an illiterate person just to justify someone na hindi naman sila kilala? Their struggles and efforts won't do something in elections naman. Their protests and all won't give their candidate an additional votes.

Kaya hindi ko talaga ma-gets ang mga taong ganun. I really am not into politics. Sa mga posts naman, natatamaan ako sa tuwing mababasa na kapag wala kang interes sa eleksyon, iyon ay dahil wala kang pakealam sa bansa at na kuntento ka sa korupsyon at ano mang negatibo na gawa nang kasalukuyang namumuno. At na repleksyon ito ng pagkatao mo.

Kabaliktaran naman yun sa kung ano ako. I just don't want to engage to some petty fights just to fight for my chosen candidate. At isa pa, pinagdarasal ko naman na manalo ang karapatdapat. Sa tingin ko, mas magandang way naman yun kesa makipag away.

Yung iba, todo effort kung makipag sagutan. In the end, pare pareho namang magdurusa dahil sa chosen leader na ang gawain ay mang disappoint ng tao.

Bumuntonghininga ako. Ayoko talaga sa politics. Gusto kong maiyak dahil for sure mahihirapan ako sa subject na 'to.

"Ang sarap ni Sir jusko! Grabe, he exceeded my expectations! Bet ko siya!"

At ito namang baklang 'to. Wala nang ibang sinabi kundi ang masarap, gwapo, at kung ano ano pa si Sir Noah. Hindi ko nga lang siya masakyan dahil mas nangingibabaw ang pagkabahala ko.

"Ayoko sa subject niya," ang nasabi ko na lang.

"Ayoko rin naman sa subject niya pero gusto ko siya!" Tili niya at niyugyog ang balikat ko.

Naglalakad na kami ngayon pauwi. Malapit lang naman ang amin at bukid ang harap ng school kaya magandang mag-lakad. Ito ang kagandahan sa probinsya. Sariwang hanging, hindi polluted. Sigurado pang ligtas ang daan maski ang nga eskinita. At ang imahe ng papalubog na araw sa malayo ay walang kapintasan.

Ang senior high school kasi sa probinsya namin ay hiwalay sa junior. Ilang minutong lakaran at ang harap ay ng malawak na bukirin na pagmamay-ari namin, sa malayong banda ay hilera ng mga puno at kita ang bundok ng Baguio. Malapit lang naman kasi ang Pangasinan doon kaya kita ang mga bundok nito.

Kinabukasan, maaga ulit ako. Pagkagising ay nakahanda na agad ang mga gamit ko kahit pa hindi na kailangan. Si Mama ang naghanda bago siya umalis at pumasok sa trabaho. Itinuturing na naman akong bata. Pareho sila ni Papa na hanggang ngayon baby pa rin ang turing sa'kin kahit pa nasa tamang edad naman na ako. Malamang kung nandito rin si Ate ay ganito rin siya sa'kin. Buti na lang talaga at kasama siya ni Papa sa Spain.

Matapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Kinuha ko agad ang suklay at sinuklay ang mahabang buhok ko. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Namana ko kay Papa ang kulay kahel na may pagka brown kong buhok. Pati ang tangos ng ilong at ang freckles ko. Ang tamang kulay naman ng balat ay kay Mama, pati na ang height at ang mahahabang pilik mata at makapal na kilay. Swerte rin dahil namana ko kay Mama ang kurbang puso niyang labi na natural na mamula mula. Wala na akong nilagay na kahit ano dahil kapag naiinitan naman ay kusang namumula ang pisngi ko at hindi naman oily ang mukha ko kaya hindi na kailangan.

Stars In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon