Chapter 10

11 3 0
                                    

Jealous




Hundred percent, after ko magsuka, nakaginhawa ako. Idagdag pa na nakatulog ako at nagising lang nang nakarating na sa patutunguhan. Ang kalabit at yugyog ni Sir Noah sa balikat ko ang gumising sa akin.

"We're here..."

Ang mababang boses niya ang una kong narinig. Kasunod nun ay mga kwentuhan ng mga kasama namin sa bus. Ang ilan ay nakatingin pa sa pwesto kong nakahilig sa dibdib ni Sir Noah.

Umayos agad ako ng upo. Inayos ko rin ang aking sarili.

Naunang bumaba ang mga nasa harap. Tinignan ko sila Sir Bryan na bumaba. Sa gilid ng mga mata ko ay ramdam ko ang panonood ni Sir Noah sa akin.

Tumikhim ako. Hindi alam ang sasabihin.

"Uh..."

Nagulat ako nang bigla niyang ayusin ang buhok ko.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi kana nasusuka?" He asked, his tone laced with so much concern.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa kalagitnaan ng lahat ng ito, ang pagdudusang sinapit ko sa biyahe at sa kahihiyan, ay nakukuha ko pa ring mamangha sa hitsura niya.

Kanina nang sumandal ako ay naramdaman ko ang dibdib niya. His well built chest is defined as I lay my head on it. Ang init na dulot niyon ay walang kapantay. The veins in his arms would show every time he'll wipe me with his handkerchief. And the way he took care of me earlier just made me fall for him more.

His hair a bit disheveled but it doesn't matter because even if his hair is messy, he still look dashing and intimidating.

Ang makakapal niyang kilay ay kumunot dahil sa paninitig ko.

"Sylvester?" Tawag niya.

Dahan dahan akong tumango. "Y-Yes, Sir Noah."

"Kakain muna tayo bago kayo mag take ng quiz. Masakit ba ang lalamunan mo? Kaya mo bang kumain?"

Medyo masakit nga ang lalamunan ko sa pagsusuka. Pero dahil naisuka ko lahat ng kinain ay ginutom naman ako.

"Kaya ko, Sir. And I'm hungry. I don't think I'll function well if I take the quiz starving," sabi ko at nanghihinang ngumiti.

Tumango siya at kinuha na ang mga gamit ko. Inalalayan niya rin akong tumayo. Hawak niya ang kamay ko habang pababa. Pagkapasok sa premises ng school ay agad naman akong nagsabi na kailangan kong magbanyo para mag-ayos saglit.

"Samahan na kita," alok niya.

Nagtinginan ang ibang mga teachers na nakarinig nun. Teachers from different schools na malapit sa banda namin. Ang ilan ay kumunot ang noo at agad nagtaka sa narinig.

Mabilis akong umiling.

"H-Hindi na po, Sir. Kaya ko naman po. Thank you."

Kinuha ko ang bag ko sakanya. Halata naman na nakatingin sa amin ang ibang teachers pero bakit parang wala namang pakialam si Sir Noah! Nakakahiya! Baka mamaya ano pa ang isipin! It is unusual for a teacher to say that!

O baka naman ako lang ang nagbibigay malisya roon? He's my Sir and he's just saying he'd come with me probably because I'm still weak and doesn't have the energy to find the comfort room.

Wala na rin siyang nagawa dahil umalis na agad ako. Kaya ko naman na. Nanghihina pero nahimasmasan na. Uminom ako ng tubig sa tumbler na dala at nagtanong sa mga students sa paligid. Itinuro naman nila ang public cr at agad akong nagtungo roon.

Nag mouth wash ako at sinuklay ang buhok. Inalis ko rin ang hoodie at nagpalit ng uniform dahil pinagpawisan ako kanina. Marami akong dalang extra dahil alam kong kakailanganin ko ang mga iyon. Naghilamos ako at naglagay ng pabango. Pagkatapos ay pumasok sa cubicle para umihi.

Stars In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon