Chapter 6

9 3 0
                                        

Like




At dahil Monday, nagsimula na ang tunay na buhay bilang isang senior high school student. Ramdam ko na agad ang pagdagsa ng mga projects dahil sa groupings na nagaganap.

Sa pagiging abala ay hinayaan ko na lang ang nangyari kaninang umaga. Paano namang hindi malalaman ni Sir Noah eh kung ano anong mga sinasabi ni Leo? Nagpaalam na nga lang agad kami kanina para hindi na ako mahiya pa.

Habang nagdidiscuss din si Sir Noah nang subject na niya, ay hindi ko maiwasang mahulog lalo. Napapatitig ako at nawawala sa sarili. Because the way he teaches us, he really is so passionate. You can see it his eyes. At kahit hirap man sa lessons niya, pinipilit ko ang sarili na intindihin lahat ng iyon. Lalo lang akong naiinspire na matuto sa tuwing narerealized na super mahal niya ang ginagawa niya at itinuturo niya, kaya dapat ay mag-aral akong mabuti at makinig sakanya.

Nahuhuli niya rin ang mga tingin ko, at dahil sa hiya, ako ang nauunang umiwas. Ibabalik ko rin kalaunan at madadatnan pa rin siyang nakatingin.

Hindi ko na talaga alam ang iisipin kung kaya ba siya tumititig sa akin ag dahil nagagandahan, napapangitan, o dahil alam niya na crush ko siya?

Nagdaan ang isang linggo na ganoon. Tinginan ang komunikasyon namin. Pero hindi ko naman alam kung ano ang nais niyang ipahiwatig. Sa dumating na Sabado ay may group meeting kami para sa research. Nagkaroon din ng meeting nung linggo para naman sa group quiz sa bahay ng kaklase para sa PPG. Sa susunod na Friday pa iyon pero dahil pursigido ang leader namin, maaga kaming nireview.

"Nakapag pass kana ng index card mo? Recitation daw mamaya," balita ni Anton, ang president namin.

Sa ilang linggo sa roon ay naging malapit na rin kami ni Leo sa mga classmates. Madalas ko ring makausap ang president dahil sa tuwing mag-isa ako o abala, sinusubukan niya akong kausapin.

And this time is one of those times.

Naiba ang seating arrangement namin. Nalayo ako kay Leo, at naging katabi si Anton. Isa rin sa dahilan kung bakit nalapit siya sa'kin. Sa MIL lang naman ang arrangement na ito at babalik na sa dating pwesto kapag PPG o ibang subject na kaso lang wala pa ni isa ang bumalik sa pwesto kaya...

Alam kong tinutukoy niya ang recitation mamaya sa PPG. Thursday ngayon, at sinabihan na rin kami ni Sir Noah kahapon. Nakapag review ako pero wala namang naiwan sa utak ko dahil sa chismisan namin ni Leo.

"Yup," simpleng sagot ko at nag scroll sa social media account.

"Nag review kaba? Paborito ko ang PPG. I'll help you if you can't answer for later," alok niya.

At dahil wala sakanya ang atensyon ko kanina, ngayon ay nakuha na niya. Maayos at positive naman ang offer niya, kaso hindi naman ako natuwa.

"Thank you, pero I'll try my best. After all, I'm aiming for highest honor, hindi pwedeng pa petiks petiks lang ako," bawi ko at nginitian siya.

Isa ako sa mga bumoto kay Anton. Kilala ko na siya noon pa dahil laging siya ang representative ng grade level namin sa SSG elections. At kaya rin nakuha niya ang tiwala ng mga classmates ko para gawin siyang president ng room ay dahil doon.

Ngumiti rin siya at hindi na nagsalita. Kahit hindi sure sa sinabi ko, at alanganin sa totoo, ayoko naman na iasa sakanya iyon. My pride and ego won't let that happen.

Humikab ako at tumingala. Medyo inantok ako, late na kasi nakatulog kagabi dahil nasobrahan sa chats namin ni Leo. Agad naman akong napapikit nang maramdamang may kung anong pumasok sa mata ko.

"Aray!" Daing ko.

"Bakit, Syl?" Agad na tanong ni Anton at dinaluhan ako.

Nakapikit ako at nakahawak sa mga mata. Naramdaman ko ang hawak din ni Anton sa mga kamay ko at lumapit pa ata. I'm sure he went close to me when I felt his hot breath near me. Sinubukan niya pang bugahan ng hangin ang mga mata kong pilit kong ibinubuka. Lumapit pa siya lalo, inakalang nagiging effective ang ginagawa niya.

Stars In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon