Chapter 7

7 2 0
                                        

Embarrassment







Sa kahihiyan sa nagawa, nang dumating ang lunes ay halos ayaw kong pumasok. Alam kong maliit lang na bagay iyon, pero sobrang nakakahiya! Parang gusto ko na lang na biglang mawala sa mundo dahil sa kahihiyan.

Naikwento ko kay Leo ang nangyari, at imbes na pagaanin ang loob ko ay inasar lang ako. Tumigil din agad nang magsimula ang klase dahil sa pagdating ng teacher.

Mabilis na lumipas ang oras, halos maubusan pa ako ng hininga nang pumasok si Sir Noah sa room. Kung kelan ko hiniling na sana bumagal ang oras sa MIL, siya namang wala si Sir Kenneth.

Inaasahan kong magtatanong siya o may sasabihin tungkol sa nagawa ko. Pero asa pa ako. Parang wala lang nga iyon kay Sir at noong araw na iyon ay ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Sobra akong nanibago dahil mula nang unang araw lagi kong nahuhuli ang tingin niya. Pero ngayon, kahit man lang madaplisan ako ng tingin niya ay hindi nangyari.

Nakakapagtaka naman. O talagang normal lang iyon dahil sino ba naman ako para tignan niya, 'di ba?

"Iyan kasi, baka inisip na stalker ka at na turn-off sa'yo kaya hindi ka na tinignan kanina?" Leo concluded when I've told him my thoughts.

Pumangalumbaba ako at tumingin sa kawalan. Uwian na pero hindi pa rin ako maka move on sa nangyari. Sa gilid ng mga mata ko ay umayos ng upo si Angela.

"Siguro nga, Syl. Ayaw na ayaw nun sa mga stalkers, eh." Dagdag ni Angela.

"Ayaw sa stalkers? E sa ginagawa ng club na dedicated for him, hindi siya natu-turn off?"

"Hindi naman niya kasi alam 'yon, gurl. Hindi siya aware."

"Eh kung sabihin ko kaya sakanya ang about doon? Para naman aware na siya na marami pala siyang tunay na stalkers at hindi ako isa sa mga iyon."

"Bahala ka. Hindi naman ata iyon secret since ang kapatid niya mismo ang nagshi-share ng infos about him."

"Trueness," pag-sang ayon ni Angela sa sinabi ni Leo.

Bumuntonghininga ako. Gumugulo talaga sa isip ko kung bakit. Bakit kaya hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Sir Noah kanina? May nagawa ba ako? Bukod sa pag-like ko sa old picture niya, meron pa ba? Na offend ko ba siya dun?

But with just a small span of time, masasabi kong kilala ko ng konti si Sir. He won't get mad nor get offended just by that kind of reason. Malalim siyang tao. At lagi'y resonable. Seryoso rin siya sa mga bagay bagay at hindi basta bastang naiinis o naooffend.

Baka naman sawa na sa mukha ko?

Napatingin ako sa salamin. Sa ganda kong 'to? Imposible!

Sa sumunod na araw, curious pa rin ako. What if puntahan ko kaya si Sir sa faculty at tanungin? O kaya sa room mamaya pagkatapos niya mag discuss? Hintayin ko ba munang umalis ang mga classmates ko?

Hay naku. Nakakabaliw! My aggressive self is at its finest! Nahihibang na talaga ako!

Bakit mo naman gagawin yun, Syl? Baliw ka talaga. Kapag ginawa ko iyon, mas nakakahiya! Kaya no, I won't do it! Kabaliwan!

Litong lito na at hindi mapakali, nang pumasok si Sir Noah sa room ay halos kausapin ko na agad siya. Buti ay natauhan naman ako kahit papaano. Isang araw lang naman niya akong hindi tinignan. Pero heto ako at parang mababaliw na kakaisip sa kung ano kaya ang dahilan.

Feeling important person naman kasi ako! Normal lang naman na hindi niya ako tignan! May problema ba roon?

"Miss Lopez?" Tawag ni Sir Noah sa'kin.

Stars In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon