Szymon's POV
Nagising ako sa tunog ng alarm clock na nasa bedside table ko, minulat ko ang mga mata at sinag ng araw ang bumungad sa 'king mukha.
Napangiti ako ng makita ang puro pink na gamit sa kwarto ko, these really shines my day.
Bumangon ako at umupo sa kama at itinaas ang dalawa kamay.
"Goodmorning World!" sabi ko ng nakangiti.
Nakangiti akong lumabas ng kwarto at nakasalubong si Lola na tinatawag kong Nanay.
I grew up with my Nanay since my Mom is in abroad, working as a Nurse. And about my Dad? Hindi ko rin alam.
"Nanay!" tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang napangiti sa'kin.
"Oh hija gising ka na pala." tumango ako sa kaniya at tiningnan ang niluluto niya.
"Ang dami ata niyang niluluto mo, Nay." sabi ko, ang dami kasing nakahiwang mga rekados sa kusina.
"Nakalimutan ko palang sabihin sa'yo hija. May paparating tayong bisita." napatingin naman ako kay Nanay.
"Talaga, Nay? Sino naman? Kilala ko ba?" sunod sunod na tanong ko pero tinawanan lang ako.
"Malalaman mo rin mamaya." Si Nanay naman parang others.
"Tulungan ko na po kayo dyan, Nay."sabi ko.
"Aba'y ito bumili ka muna ng pechay sa palengke. Naubos na pala ang pechay sa ref." Inabot niya naman sa'kin ang pera.
"Ilan po ba?" tanong ko at sinabing ubusin ko na raw na sakto sa perang binigay niya.
Sino ba yung bisita? Masyado naman atang special at maraming handa baka pati buong barangay ma-imbita ni Nanay.
Nang makalabas ako ng bahay ay napaisip ako kung gagamit ba ako ng motor o maglalakad na lang?
Pero dahil umaga at maganda ang sikat ng araw ay naisipan kong maglakad na lang.
Lahat ng nakakasalubong kong tao ay binabati ako, hindi naman sa pagmamayabang pero sikat ako dito sa amin. Pwede na nga akong tumakbo bilang konsehal e.
"Monnnn!" Bigla akong napa head turned sa taong tumawag sa'kin.
Nagdadalawang isip nga ako kung tao ba talaga to o megaphone na may buhay.
"Ang aga aga Joli, ang ingay ingay mo." sabi ko sa kaniya ng makalapit ito sa'kin.
"Alam mo namang pinaglihi ako ni Mama sa malaking megaphone." Sabi niya sabay tawa. Parang baliw. Kung hindi ko lang siya best friend ay itatakwil ko na to.
"Saan pala ang punta mo? Nakita ko kanina ni Nanay Louisa na kakauwi lang galing palengke ah" tukoy niya sa Nanay ko.
"Oo, kasi may bisita raw na paparating. Hindi ko nga alam kung sino." sabi ko.
"Talaga? Makikikain na lang ako mamaya sainyo ha. Magbabalot na rin ako para hindi na ako makaluto ng hapunan." sabi niya, baliw talaga.
"Oo naman, basta maghugas ka lang pagkatapos ay wala talagang problema doon." sabi ko sa kaniya na ikinaningning ng mga mata niya.
"Hala lagot! Naiwan ko yung sinaing sa bahay! Lagot ako nito kay Mama, ikaw na muna dyan, Mon ha?" sabi niya na tinanguan ko.
Kalahating oras na lakaran lang naman ay nakarating na ako sa palengke, ang aga aga pa nga e ang dami dami ng tao. Kailan ba nawalan ng tao ang palengke?
Pumasok na agad ako sa gulayan at tumingin tingin kung saan may pechay.
At yun, nakita ko na ang mahiwagang pechay.
YOU ARE READING
Pano | Freenbeck | Fanfic
FanfictionTAG-LISH A freenbeck fanfic story about the two childhood friends that will meet each other again. ---