Szymon's
It's already 9:00 PM nang magdesisyon kami ni Sam na pumasok na sa loob ng bahay. Nagpaiwan siya sa sala dahil kakausapin ko si mama na nasa kwarto niya ngayon.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan niya tsaka ko yun binuksan. Agad kong nakita si mama na nakaupo sa gilid ng kama niya hawak hawak ang picture ko noong bata pa 'ko.
"Mama." tawag ko sa kaniya pero imbes na tumingin sa'kin ay umiwas ito ng tingin at alam kong pinunasan niya ang luha na kanina pa tumutulo sa mga mata niya.
"I'm sorry." paghihingi ko ng pasensya.
"Maupo ka muna dito." sabi ni mama kaya umupo ako sa tabi niya.
Agad niya namang hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Alam kong marami akong pagkukulang sayo, anak. Pasensya ka na at kung may mga tanong na hindi ko kayang sagutin. Ayokong isipin mo na pinagdadamutan kita kasi hindi. Pinili kong wag sabihin dahil yun ang sa tingin kong tama para sayo." Bigla akong nanghina ng makita si mama na umiiyak, alam kong mahirap din sa kaniya to.
"Gusto kong sabihin sayo lahat pero natatakot akong baka hindi mo matanggap. Natatakot ako sa mararamdaman mo anak ko." yumuko si mama at doon na bumuhos ng husto ang mga luha niya.
"Ma..." Hindi ko alam ang sasabihin kaya niyakap ko na lang siya para maramdaman niyang hindi ako galit sa kaniya.
"Mama naiintindihan ko kung hindi mo pa kayang sabihin sa'kin. Pero mama, malaki na 'ko. Kaya ko ng intindihin lahat mama. Hindi na po ako bata."
Hindi naman na umimik si mama at hinayaan ko na lang siyang umiyak sa balikat ko.
All this years, hindi ko naranasan magkaroom ng kompletong pamilya.
Hindi ko naman sinasabing hindi ko kontento kay mama at kay nanay, pero gusto ko ring makilala ang tatay ko.
Gusto kong makilala kung saan ako galing. Gusto kong maramdaman na meron akong tatay.
Dahan dahan kong sinara ang pintuan ni mama dahil nakatulog na siya. Hindi man napahaba ang kwentuhan namin pero naiintindihan ko naman siya.
Agad akong bumaba at nakitang nasa sala pa si Sam at mukhang inaantok na.
Agad akong lumapit sa kaniya na ikinatingin niya sa'kin. Agad siyang ngumiti nang makita niya ako.
"How was it?" tanong niya per isang ngiti lang ang sinagot ko sa kaniya.
"Nagkausap kami pero hindi niya pa rin sinasabi sa'kin tungkol sa tatay ko. But I can wait." sagot ko.
Tumango naman siya at hinawakan ang wrist ko at hinila yun paupo sa tabi niya.
"Are you tired?" tanong niya kaya tumango ako.
"Magpahinga ka na. I'll wait until you sleep tsaka ako uuwi." sabi niya kaya napasimangot ako.
"Uuwi ka pa? Just stay here baby. I want to sleep beside you." sabi ko.
"Are you sure? I mean it's okay to me but your mom baka hindi siya pumayag." sabi niya na ikinailing ko.
"Tulog naman na si mama bukas na lang ako magpapaalam sa kaniya na dito ka natulog." sabi ko na ikinangiti niya.
"You're so naughty." natatawang sabi niya sabay tap ng daliri niya sa tungki ng ilong ko.
"Why? Ayaw mo ba?" tanong ko but she just kissed me on my forehead.
"I always want to be with you baby." bulong niya sa'kin.
"Then let's go to my room, let's rest." sabi ko at tumayo na sumunod naman siya sa'kin.
Nauna akong pumasok sa kwarto at inantay ko munang makapasok siya bago ko sinara ang pintuan.
YOU ARE READING
Pano | Freenbeck | Fanfic
FanfictionTAG-LISH A freenbeck fanfic story about the two childhood friends that will meet each other again. ---