Szymon's
"Have you eaten your dinner?" basa ko sa text ni Sam.
Binaba ko muna ang hawak na ballpen at nagreply sa kaniya.
"Hindi pa, I'm still studying." reply ko.
Kanina pa kasi siya panay text at panay din ako tingin sa cellphone ko kung nagreply na siya.
I was busy studying dahil may quiz bukas at itong isa ay nambubulabog.
Tiningnan ko ulit ang cellphone ko pero ilang minuto na ay di na nagreply kaya nagpatuloy na ako sa pagre-review.
Five days had passed nung huli ko siyang nakita pero panay pa rin ang pambubulabog at padala ng kung ano ano dito sa bahay.
Hindi na nga rin alam ni Nanay kung para saan ba yun.
She always includes me, she always asked me what I like and then asked me what will Veina would like.
Si Veina lang naman kailangan kong pag-effortan.
Ilang minuto na rin ang nakalipas nang bigla akong tinawag ni Nanay.
"Mon, halika muna sa labas." rinig kong tawag ni Nanay sa'kin tsaka ko binaba ang ballpen ko at lumabas.
"Bakit po, Na--- Sam?" takang tanong ko ng makita siyang nakaupo sa sala.
"Good evening." bati niya sa'kin.
"Goodevening?" nagtatakang bati ko sa kaniya.
"I brought you dinner." sabi niya.
"Wait, what?" tanong ko.
"You told me that you haven't eaten yet kaya dinalhan na kita." sabi niya.
"Nako, Sam. May niluto naman ako sadyang hindi pa kumakain si Mon kasi nagrereview siya." sabi ni Nanay.
"Ah ganun po ba, Nay? I didn't know that she's studying." sabi niya sabay tumango tango.
"Well, just taste what I brought." nakangiting sabi niya sa'kin.
Sadyang wala pa talaga akong gana.
"Yeah, titikman ko later need ko kasing magreview muna." sagot ko sa kaniya, bigla naman tumamlay ang mukha niya.
"Uhm okay, just finish what you are doi---" hindi niya natapos ang sasabihin ng may kumatok sa pintuan.
Dali dali naman binuksan yun ni Nanay at pumasok si Veina.
Napangiti ako ng makita siyang nakangiti, agad kong napansin ang bitbit niyang Tupperware at may lamang ulam din yata.
"Magandang gabi ho, Nanay Louisa, Mon. Oh hi Sam? Nandito ka rin pala." nakangiting sabi ni Veina.
"Uh Veina may kailangan ka ba?" tanong ko.
"Oh I almost forgot, nagluto kasi ako ng Sinigang kaya naisipan kong dalhan kayo dito." napangiti naman ako ng inabot niya sa'kin ang Tupperware.
"Really? Thank you, favorite ko naman to. Kumain ka na ba? Sabayan mo na kami ni Nanay." sabi ko sa kaniya.
"Wait, you'll eat that?" nagulat ako sa pagsalita ni Sam kaya napatingin ako sa kaniya.
"Of course, kung gusto mo ay sumabay ka na din sa'min." sabi ko sa kaniya.
"Oo Sam, pwede ka namang sumabay sa'min." sabi ni Nanay.
"I'd love to, Nanay. But I still have work to do, mauuna na po ako." Sabi niya at nahuli ko pa ang pag tingin nito sa'kin bago siya makipag beso kay Nanay at umalis.
YOU ARE READING
Pano | Freenbeck | Fanfic
FanfictionTAG-LISH A freenbeck fanfic story about the two childhood friends that will meet each other again. ---