Szymon's
Hindi ko alam kung anong iniisip ng isang 'to at basta basta na lang pumunta sa bahay ng hindi nagsasabi na magsisimula na pala.
Gulo gulo pa ang mukha ko kasi kakauwi ko lang galing school dahil half day lang naman kami, kainis naman.
Huminto ang sasakyan niya sa harap ng bahay ni Veina.
"Go now." sabi niya, tiningnan ko naman siya at inirapan.
"Don't roll your eyes on me, go now." sabi niya ulit.
"Oo na tss." tiningnan ko naman ang bulaklak na hawak ko.
I hope she likes it.
Bumaba na ako sa kotse niya at huminga ng malalim bago lumapit sa bahay nila.
Kumatok ako ng ilang beses bago may bumukas ng pintuan nila.
"Mon? Anong ginagawa mo dito?" bungad na tanong niya sa'kin at tiningnan ang hawak kong bulaklak.
"Uhm Veina ano kasi..." wth? anong sasabihin ko dito?
"May kailangan ka ba? Para kanino yang flowers? Ang gaganda ah." sabi niya.
"Ah ano..." hindi ko natapos ang sasabihin ng tumingin siya sa likod ko.
"Si Sam ba yung nasa kotse? Bakit kayo nandito?" tanong niya.
"Ah ano sinamahan niya kasi ako para ibigay sayo, pa-thank you ko sayo para dun sa sinigang kagabi." sabi ko sabay abot ng bulaklak sa kaniya.
What the hell? Anong klaseng palusot yan?
"Hindi naman kailangan nito, Mon. Pero thank you pa rin ang ganda." nakangiting sabi niya.
"Salamat naman at nagustuhan mo, Veina. Sige mauna na ko." sabi ko.
"Ha? Hindi ka ba muna papasok?" mabilis akong umiling sa alok niya, tf is wrong with me?. This is the chance, bakit umaayaw ako?
"Hindi na, may aasikasuhin din kasi ako sa bahay." Palusot ko na naman.
"Sige, Mon. Salamat dito ulit ha." sabi niya kaya nginitian ko siya at tumalikod na.
Dali dali akong pumasok sa kotse ni Sam at huminga ng malalim.
"That fast?" bungad na tanong niya sa'kin.
"Umalis na nga tayo." sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya.
"Gosh, you're lack of effort." sabi niya.
"Why? E sa nahihiya ako." naiinis kong sabi.
"Ang badoy mo." napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Wow, parang may niligawan ka na at ganyan ka magsalita ah."napatingin naman siya sa'kin.
"Of course, I courted a girl back then." wait, so ibig sabihin she's into girls din?
"You're into girls too?" tanong ko.
She just shrugged her shoulders and answer me.
"I'm not gonna say that I'm into girls but I'm into her, just her." sagot niya.
"Where is she now then?" tanong ko.
"Where? She's just so near yet so far to reach." sagot niya. I gulped when she stares at me intently.
"Then hindi ka rin marunong mag effort kasi hindi nga rin napasayo." sabi ko.
"You know I respect boundaries pero kapag nainis na ko ay baka halikan ko na lang siya bigla, she's being stupid with the one she likes." sagot niya at umayos ng upo, hindi naman ako nakapagsalita dahil sa pagkadirect to the point niya.
YOU ARE READING
Pano | Freenbeck | Fanfic
FanfictionTAG-LISH A freenbeck fanfic story about the two childhood friends that will meet each other again. ---