Szymon's
"Bakit ba kasi kayo nagpaulang dalawa ha?" tanong ni Nanay sa'min.
Nakauwi kasi kaming dalawa ng bahay mga alas sais na nang umaga dahil nakatulog kaming dalawa sa sasakyan niya.
Sumakit nga ang katawan ko dahil hindi komportable ang pwesto namin sa pagtulog.
Bigla namang uminit ang mga pisngi ko dahil naaalala na naman ang nangyari kagabi.
Sa kaharutan namin ay dalawa na kami ngayon ang sinisipon.
"Nay, hindi naman kasi namin alam na uulan ng ganun kalakas e ang init init naman nung hapon." sabi ko.
"That's right, Nanay. Sa loob na nga kami ng sasakyan nagpatila ng ulan, Nay." sagot naman ni Sam na nasa tabi kong nakaupo sa sala.
"Hindi pa rin mabuti dahil ang lamig sa loob ng sasakyan mo, Sam. Kaya mas lalo kayong sinipon." sabi ni Nanay.
"Hindi naman po malamig, mainit nga e." rinig kong bulong ni Sam kaya pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran niya.
"Ano 'yon, Sam?" tanong ni Nanay ng hindi niya marinig ang sinabi ni Sam.
"Sabi ko po, hindi naman malamig kasi hininaan ko yung aircon." palusot niya naman kay Nanay.
"Oh siya kumain muna kayong dalawa ng aroz caldo. Nagluto ako para mainitan ang katawan niyo." sabi ni Nanay tsaka tumayo.
Pagkaalis ni Nanay ay kinurot kurot ko agad siya sa tagiliran niya.
"Mon, s-stop!" suway niya sa'kin.
"Iyang bibig mo talaga, Sam!" sigaw ko sa kaniya.
"What? E ang init naman talaga kagabi. Di mo ba ramdam? Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil nadidistract ako ng dibdib mo. Masyado kasing nakadikit sa'kin. I wanted to try it again but you're already asleep so yeah pinilit ko na lang ring matulog." diretsahang sabi niya na ikinapula ng mukha ko.
"Gosh, you're too cute when you're blushing." inirapan ko naman siya sa sinabi niya.
"Alright, I'm sorry. Come here, hug me." sabi niya at hinila ang kamay ko palapit sa kaniya.
"Ayaw ko lang na magduda si Nanay sa 'tin. I will tell it to her about us once na nasabi ko na kay Mama." sabi ko.
Tumango naman siya at niyakap ako.
"I'll wait, baby." bulong niya sa'kin.
"Oh halina kayo sa mesa at kumai---" parehas kaming napabitaw sa pagkakayakap ng marinig ang boses ni Nanay.
Tumayo naman kaming dalawa sa pagkakaupo.
"A-ah Nay sige po..." sabi ko na hindi mapakali.
"May dapat ba akong malaman, Mon?" tanong ni Nanay sa'min.
Nagkatinginan naman kami ni Sam.
Shit, this is not what we planned.
"Mon." tawag ni Nanay sa'kin.
"Nay ano po..." nauutal kong sabi.
"She's just saying thank you for me, Nanay. She wants to do camping and atlast may nag aya na din sa kaniya at ako daw po yun." nakangiting sabi ni Sam.
"Ah oo, naalala ko nung bata ka ay gustong gusto mong camping kaso ay hindi ka pinapayagan ng mama mo kasi sakitin ka." sabi ni Nanay sabay tawa.
Sinabayan ko na rin ang tawa niga kahit mamatay matay na ako sa kaba.
I just don't want her to stress out because of me, I already know my Nanay. She doesn't have any idea about this kind of relationship so I need to slow it down.
YOU ARE READING
Pano | Freenbeck | Fanfic
FanfictionTAG-LISH A freenbeck fanfic story about the two childhood friends that will meet each other again. ---