Chapter 3

3.3K 119 0
                                    

"Mon! Hindi mo naman sinabi na anak pala ni Don Clavio ang bisita niyo." bungad ni Joli sa'kin ng makarating kami sa bahay ni Veina.

"Ngayon ko nga rin lang nalaman." sabi ko.

"Grabe ang ganda niya at ang bango, ano kaya sa tingin mo brand ng perfume niya? Parang ang sarap gayahin ng perfume niya." parang kinikilig pa niyang sabi.

"Hindi mo magagaya yan, she has her own perfume." sabat ni Veina. Bakit niya alam?

"Grabe nakakainspire naman siya. I love her already." napairap naman ako sa sinabi ni Joli.

"Right." pagsang-ayon din ni Veina.

Really? Kakarating lang niya dito mukhang na-hook na lahat ng tao sa kaniya dito.

Nagsimula na kaming kumain lahat at ang lahat ay masayang nagk-kwentuhan.

At ako ay naiwan dito sa sala dahil si Joli at Veina ay kinakausap si Sam.

Wow, nawalan pa ako ng kaibigan dahil sa kaniya.

Napatingin ako sa tatlong nagk-kwentuhan at napadako ang mata ko kay Veina.

Ang ganda talaga ng mga ngiti niya, ang ganda titigan hindi nakakaumay.

Hindi ko na namalayan na napapangiti na pala ako dahil sa iniisip ko.

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko ng bumungad sa'kin ang mukha ni Samantha na nakangisi parang nang iinis pa.

Inirapan ko naman siya at nagpatuloy na kumain. Hindi ko rin alam kung bakit inis ako sa kaniya.

Kung sa pagandahan naman ay pantay lang naman kaming dalawa well mas mabango lang siya ng konti pero konti lang. Sa tangkad naman ay mas matangkad siya pero konti lang, ang hahaba kasi ng legs kaya siguro. Tapos yung buhok niya ang shiny parang bagong rebond na parang hindi.

Tss, alright, everything about her is perfect, I guess?

Wth, Mon? Did you just checked her out? No!

Tatayo na sana ako ng biglang tumabi si Sam sa'kin.

"So, I guess that girl over there is the apple of your eye?" bulong niya.

"Tss, shut up ka na lang." pagsusungit ko.

"Let me help you make her fall for you." napatingin ako dahil sa sinabi niya sa'kin.

"Nahihibang ka na ba? Bakit mo ba 'to ginagawa?" Tanong ko sa kaniya.

"This is my way of saying thank you sa pagpapahiram mo sa'kin ng slippers mo kanina." sabi niya.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. I really want Vein. But do I need someone to help me just to get her?

"Think, this is my only offer." sabi niya.

Napatingin ako kay Vein at nakitang nakikipag usap kay Jed na kababata rin namin, I know that Vein likes him.

Napatiim bagang ako dahil sa nakita, I looked at Samantha again.

She raised her left eyebrow to me and smirk.

"Okay, help me then." sabi ko.

"Good choice, let's start tomorrow." ha? ang bilis naman.

"Wait, hindi naman ako nagmamadali." sabi ko.

"Why? She seems like that guy baka mahuli ka." I gritted my teeth on what she said.

"Okay." sabi ko na lang.

"I'll fetch you tomorrow, we need some flowers." sabi niya bago tumayo at pumunta kay Nanay.

Napahinga ako ng maluwag, gosh, is this really happening?

Pano | Freenbeck | FanficWhere stories live. Discover now