"Mon, nakabihis ka na ba?" rinig kong tanong ni Nanay sa labas ng kwarto ko.
"Opo, inaayos ko lang ang buhok ko." sagot ko.
Nagbibihis na kasi ako para makapunta na kami sa hacienda ng mga Cervantes.
Tiningnan ko naman ang sarili sa malaking salamin na nasa kwarto ko.
Napangiti ako ng makita ang kulay pink na dress na suot ko. It looks comfy, hindi masyadong maliit at saktong hapit lang sa bewang ko.
Kinuha ko ang sling bag sa kama at lumabas na nang kwarto.
"Aba'y bagay na bagay talaga sayo yang dress, Mon." napangiti ako sa sinabi ni Nanay.
"Sobrang ganda ko ba, Nay?" Pabirong tanong ko kay Nanay.
"Nako ay tara na baka ma-late tayo sa party." pag-iiba niya ng usapan na alam kong biro niya kaya kumabit ako sa braso niya at sinandal ang ulo ko sa balikat ni Nanay. Ganyan kami mag-bonding.
"Kuya Ed!" tawag ko kay Kuya Ed, magpapahatid kasi kami sa kaniya sa Hacienda.
"Tara na, Nay." pinauna kong pinasok si Nanay sa loob ng tricycle tsaka ako sumunod.
"Sa Hacienda de Cervantes lang kuya ha." sabi ko kay Kuya Ed na sinang-ayunan niya naman.
Masarap ang simoy ng hangin tuwing gabi, malamig lamig. Sayang ay hindi ako nakadala ng cardigan, sleeveless pa naman 'tong dress ko.
Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa Hacienda, ngayon na lang ulit ako nakapunta dito simula nung nag-resign si Nanay.
"Nay, tara na po." sabay naman kaming naglakad ni Nanay papasok sa loob.
Nauna na kasi sina Joli kanina at mukhang excited na talaga siya kaya hindi na makapaghintay kanina.
Pagkapasok namin sa loob ay maraming tao agad ang bumungad saamin, yung iba ay mga opisyales ng barangay at munisipyo na malapit sa pamilya nila pati nga rin ang Mayor ay nandito din. Ang gara naman.
"Monnn!" napalingon ako sa boses ni Joli na sumisigaw na naman, nagmano naman ito kay Nanay.
"Dun tayo sa table namin." masayang sabi niya.
Akala ko ay dalawa lang sila ng Mama niya pero pati si Veina at Jed pala ay nandito din sa table nila.
"Hi, Mon!" bati ni Veina sakin. Bigla namang kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba.
"Hi, Veina." bati ko rin sa kaniya.
Umupo na kami ni Nanay.
"Napakaraming tao pala, Mon." Bulong ni Nanay sa'kin.
"Malaking tao ho kasi ang mga Cervantes kaya 'wag na tayong magtaka, Nay." bulong ko rin sa kaniya.
"Good evening, ladies and gents." lahat kami ay napalingon kay Samantha na kasalukuyang nasa gitna at may hawak hawak na mic.
"I am so glad that you are all here in my oh so called party." sabi niya sabay tawa.
"Now that you are all here, the party will start now. We prepare some foods to eat over there and you are free to eat what you want. And this center area is open for those who wants to dance. Enjoy this evening, everyone!" huling sabi niya kaya nagsipalakpakan ang mga tao sa paligid.
Habang papaalis ito sa gitna ay napansin ko naman ang suot niyang backless silk dress, hindi ba siya giniginaw?
"Mon, tara kuha tayo foods." napatingin naman ako kay Veina.
Ngumiti ako at tumango sakaniya, nilingon ko naman si Nanay at sinabing kukuhanan ko siya ng pagkain pero sabi nito ay mamaya na raw siya dahil nagk-kwentuhan sila ng Mama ni Joli at ibang kakilala niya.
YOU ARE READING
Pano | Freenbeck | Fanfic
FanfictionTAG-LISH A freenbeck fanfic story about the two childhood friends that will meet each other again. ---