Szymon's
Nakarating ako sa kwarto namin at agad na pumasok sa CR.
Pinaandar ko ang gripo at doon na tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Hindi naman dapat ako nagkakaganito dahil nandito kami para mag enjoy.
Pero paano ako makakapag enjoy kung ganito siya?
She just introduced me as her childhood friend to her business partner, what am I supposed to react with that?
Sa loob ng CR ko binuhos lahat ng hinanakit ko at bago pa ko tumayo ay narinig ko naman ang pagbukas ng pinto ng kwarto namin at alam ko na siya yun.
Mabilis akong tumungo sa sink at naghilamos, ayokong makita niya akong umiyak.
Narinig ko naman ang pagkatok niya sa pinto kaya sumigaw ako ng sandali.
Tiningnan ko naman ang sarili sa salamin at nakitang namumula ang ilalim ng mata ko at ang ilong ko.
Kainis naman, nag iwan pa ng ebidensiya.
Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pintuan.
Nakita ko naman siyang nakaupo sa pang isahang sofa kaya napaiwas ako ng tingin.
Dumiretso ako sa cabinet kung saan ang mga gamit ko at kumuha ng towel.
Ramdam ko naman ang tingin niya sa'kin habang may hinahanap ako sa cabinet.
Hindi ako mapakali dahil alam kong nakatingin siya sa'kin.
"Okay lang ba sayong mag isa dito? Lilipat kasi ako ng room kina Nanay." biglang sabi ko.
Ano na namang pumasok sa utak mo at sinabi mo yan, Mon? Ni-hindi mo nga nasabi yun kya Nanay.
"Why?" tanong niya.
"Hindi ko kasi gusto yung ambiance dito, masyadong sinisinagan ng araw." palusot ko.
"You can pull the blinds down." sabi niya.
"Hindi na, lilipat na lang ako." sabi ko at nagsimulang i-pack ulit ang mga gamit ko sa dala kong bag.
"Stop that." sabi niya.
Bigla naman akong napatingin sa kaniya pero iniwas ko rin ang tingin.
"I said stop that, Mon." tumayo na siya sa kinauupuan niya at lumapit sa'kin.
Bigla namang nangiligid ang luha sa mata ko. Hindi ko siya pinansin.
Hinawakan niya naman ako sa braso at pinaharap sa kaniya.
We stared at each other pero ako rin ang unang nagbaba ng tingin.
I saw how her face softened.
"Stop that." malumanay na sabi niya.
"You denied m-me..." hindi ko na napigilan ang pag iyak ko ng sinabi ko yun.
"I saw how she looks at you. I was j-jealous. I'm e-expecting you to introduce me as your g-girlfriend but you did not." Nanginginig na ang labi ko habang sinasabi yun sa harap niya.
"I'm sorry..." halos pabulong niya ng sabi, tiningnan ko siya.
And I only can see the sincerity on her face.
She held my both cheeks and kissed my forehead, she then closed the gap between us and hugged me tight.
"I was jealous too, I saw you talking with Veina and I saw how closed she is with you earlier. I'm sorry, I didn't mean it. Nadala lang ako sa selos na nararamdaman ko kanina. It's my fault, stop crying na baby please." She said while sobbing, she's crying too.
YOU ARE READING
Pano | Freenbeck | Fanfic
ФанфикTAG-LISH A freenbeck fanfic story about the two childhood friends that will meet each other again. ---