Chapter 2

3.6K 122 4
                                    

Szymon's POV

"Nay, sorry ho natagalan." sabi ko kay Nanay.

"Nako, ayos lang apo. Sakto lang naman ang dating mo." sabi niya.

"Maglagay kana muna ng mga plato sa mesa. Yung mga nasa cabinet ha, malinis na yun. Ilabas mo yun lahat kasi ay inimbitahan ko rin ang mga kapitbahay." sabi na nga ba.

Pero lahat talaga ng plato na nandun? Ang dami dami non e.

Sinunod ko naman ang utos ni Nanay at pumunta sa cabinet na puno ng plato. Since 1970's pa ata tong mga plato na 'to e.

Dahan dahan kong kinuha ang mga yun dahil baka mabasag. May mga Corelle pa naman dito. Patay ako pag nabasag.

Ingat na ingat ako habang inaabot ang mga plato nang biglang may kumatok sa pintuan namin.

"Pakitingnan nga, Mon." sabi ni Nanay kaya agad akong lumapit sa pintuan.

Pagkabukas ko ay bumungad sa'kin ang babaeng nakasabayan ko kanina. Anong ginagawa niya dito? Ibabalik niya na ba agad yung tsinelas?

"Miss sabi ko naman sayo, kukunin ko ma lang pag nagkita tayo ulit." sabi ko sa kaniya.

"I'm not here for you." sabi niya.

"E bakit ka nand---" hindi natapos ang sasabihin ko ng marinig ko ang boses ni Nanay sa likod.

"Samantha." natutuwang sabi ni Nanay ng makita niya ang babaeng nasa harap ng bahay namin.

Samantha?

"Nanay." nakangiting tawag din nito kay Nanay.

Sino ba 'to? Long lost sister ko ba to?

"Nay, sino to?" nagtatakang tanong ko kay Nanay.

"Si Samantha, anak ni Don Clavio yung pinagt-trabahuhan ko noon. Yung may ari ng Hacienda de Cervantes." sabi ni Nanay.

Kaya pala mukha siyang mamahalin.

"E bakit nandito siya, Nay? Hindi ba dapat dumiretso siya sa hacienda nila?" takang tanong ko kay Nanay.

Akmang sasagot na si Nanay ng sumagot ang isang 'to.

"I'm just here to visit Nanay then I'll go to hacienda after." ah so makikikain lang siya dito tapos aalis din.

"Bakit hindi ka naka-kotse? Nag commute ka lang? Anong itsura ng maynila? Maganda ba yung enchanted kingdom? Yung tagaytay malamig ba talaga dun? Nakakita ka na ba ng mga artista--- aray!" hindi na natapos ang tanong ko ng paluin ni Nanay ang balikat ko.

"Bakit ba napakarami mong tanong na bata ka, halika na muna at pumasok sa loob Sam. Hindi pa ako tapos magluto pero umupo ka muna sa sala dahil alam kong pagod ka sa biyahe." napasimangot ako sa sinabi ni Nanay.

Gusto ko lang naman malaman kung anong itsura ng maynila. Hindi pa kaya ako nakakaluwas dun. Pag nagkaroon talaga ako ng pagkakataon mamamasyal ako dun.

Sumunod naman ako sa kanilang dalawa papasok ng bahay, nang makaupo na siya sa sala ay umupo naman ako sa kaharap niya lang na upuan.

"Alam mo parang familiar ka." bungad ko sa kaniya ng makaupo ito.

"Is that a pick up line?" tanong niya.

Ano daw?

"Is your next line will be because I look like your future girlfriend?" sabi niya.

What the heck is she saying?

Anong future girlfriend? Delulu din to e.

"Nakasinghot ka ba?" tanong ko.

Pano | Freenbeck | FanficWhere stories live. Discover now