6

103 5 33
                                    

Chapter Six: Hindi siya katipo-tipong lalaki





“WHAT exactly did you do, Byrus? Bakit gano’n na lang ang galit ng babaeng ‘yon?” pagsisimula ni Yao.

“Oo nga By, kung nakita mo lang kung paano nasuntok si Hugo kanina. Tsaka yung galit niya kanina ramdam ko tagos sa buto,” saad naman ni Jed.

Inis lamang na nagpaikot-ikot ang mga mata ni Byrus sa bawat tanong na kanyang naririnig. Naririndi siya sa totoo lang at gusto niyang layasan ang mga kaibigan. Ang totoo, hindi niya rin inakala na magagawa iyon ni Hari, na makakaya niya. Suntok? Ginagawa din pala iyon ng isang babae.

“Pero grabe ‘no, ibang klase siya. I have seen strong and fierce woman pero naiiba siya talaga.” –Jed

“Naiiba rin yung isang transferee. Napakakulit.” –Mike

“Hahaha oo. Alam mo ba kanina nadapa siya. Grabe nakakatawa talaga.” –Citi

“Paanong di madadapa, pinatid mo.” –Jed

“Ano ngang pangalan nu’n? Dinadaldal ako kanina eh. Nakakarindi pala.” –Dee

“Rounan pangalan niya. Mas masaya pa siya pagtripan kay Criss Anne, hahaha.” –Mike

“I want to see her reaction ‘pag ginawa natin sa kanya yung nangyari kay Cassidy noon.” –Simon

“Pota! Nai-imagine ko nang nakakatawa siya, hahaha.” –Jed

“Vhon’s here.” –Lemon

Natuon ang atensyon ng lahat nang makita ang pagpasok ng kanilang guro, kasunod niya ay sina Criss Anne at Veah. Nag-anunsyo ito patungkol sa paglipat ng dalawa.

“Pwede pa ‘yon Sir?” –Mike

“Oo nga Sir.” –Peter

“Second week na, pwede pa sila magpalipat ng ibang section? Unfair naman.” –Jed

Napayuko ang dalawang dalaga dahil sa mga reklamong naririnig mula sa mga kaklase.

“Nabanggit ni Ma’am Rosario na pwede pa sila sa klase niya, humiling din kasi ang parents nila na kung pwede pa mailipat sila ng section. Iyon ang napag-uusapan naming mga advisory teachers ngayon. And since dalawa lang ang matitirang babae dito, I would like to know kung kayo ba gustong lumipat? Mas maigi sana kung puro lalaki na lang ang maiwan dito sa klase ko.”

Tahimik na nag-abang ng tugon ang mga lalaki mula sa dalawa.

“Uhh...” pagsisimula ni Rounan habang sumusulyap sa mga kaklase.

Hati ang nadarama ng ilan, sa isip nila’y nakakaburyo kung puro lalaki lang, wala silang mapagtitrip-an. At hindi rin dapat makaalis si Hari sa klaseng ito, iyon naman ang naiisip ng ilan sa kanila.

“Dito na lang ako, Sir,” ngiting sagot ni Rounan sa guro.

“Ha? Naku, bakit naman hija? Maiiwan kang mag-isa dito. Puro sila lalaki.”

“Ahh kasi... huwag na po. I’m fine here.”

“Ba’t naman ayaw mo? Maganda kung sa ibang klase ka mapupunta, doon may mga babae katulad mo.”

Sa pagpilit pa ng guro ay nagsalita na si Byrus. “Pwede bang mamaya niyo na pag-usapan ‘yan? Lumipat na kayo kung gusto niyo. Sir, science class na namin,” anito tukoy ang dalawang sina Criss Anne at Veah.

Wala nang nagawa ang guro dahil kay Byrus. Inaamin niya sa sarili niya na ilag siya dito minsan dahil nga naman sa kung sino ito. Sinabi na rin niya na mamaya na lamang nila pag-uusapan ulit sa klase niya ang naging usapin.

DVIRUS: The last section [On going]Where stories live. Discover now