Chapter Twenty-Seven: Mga plano
“WHY are you even parking here? Malawak ang sa loob ng school.”
“Ahh. May purpose kasi president. Para kung tatakas man sina Byrus, madali na lang para sa mga kotse at motor nila ang makalayo dito.”
Nakangiting tiningnan ni Bam si Hari nang matapos nitong balutan si Melanie. Nauna si Byrus na pumasok dala ang kanyang itim na sasakyan. Silang apat naman nina Dee at Riki ang lulan ng pula. Pero ang dalawa’y pumauna na rin dahil hindi ang mga ito tumulong kina Bam at Hari.
“Hehe joke lang. Hmm, totoo ng slight pero ang totoo talaga parang nawalan na rin kasi sila ng lugar doon nang malipat sila sa huling section. Alam mo naman sila Paulo at mga kaklase niya, feeling mga prinsepe at prinsesa ng campus.”
Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa habang taimtim na nagkukwento naman ang lalaki.
“Nililiteral kasi nila yung bansag sa aming virus kami kaya simula no’n pinanindingan na namin hehehe.”
“Pinanindigan?”
“Na hindi talaga nila kami malalapitan o magagalaw. Kaya minsan kami yung nang-bubully uhh hehe, lagi pala dati.”
“Kaya ba maraming natatakot sa inyo na maging kaklase ninyo?”
Tumango si Bam na sumang-ayon. “Gano’n nga siguro.”
“What’s the worst na nagawa niyo sa isang estudyante?”
Napaisip naman ang lalaki sa tanong na iyon ni Hari. “Uhh, nagtransfer ng school. Nilagyan kasi ni Hugo ng buhay na palaka yung bag ni Cassidy no’n eh. For laboratory ‘yon, kaso ito si Hugo, napakapilyo. Tapos ayun, may ranidaphobia pala siya.”
Nangunot ang noo ni Hari sa narinig. Hugo? Sobra rin pala ang katarantaduhan ng lalaking iyon. Bigla ay inalala niya si Rounan. Sa kanilang lahat ay si Hugo ang malapit sa kaibigan. Ngunit nakikita naman nito kung paano tratuhin ni Hugo si Rounan at kailanma’y wala pa itong ginawang pangbubully sa kanya kung kaya’t nabawasan ang kanyang pangangamba.
“Hindi naman kasi namin alam na may phobia siya sa palaka eh.”
“Mali pa rin.”
“Alam naman namin, kaya medyo nagsisisi rin kami. At si Cassidy na rin nagdesisyon na lumipat ng school.”
Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad na ikina-iling na lang ni Hari ang nalalaman. Tanda niya noon na minsang naikwento ni Criss Anne ang grabeng pagpapahiya nila sa mga estudyante. Mayroon na buong isang linggong pahihirapan ang napili nilang target. May ilan daw na umaabot ng isang buwan kapag natutuwa silang asarin ito. Sino kaya si Cassidy para umabot sa ganoon ang ginawa ni Hugo?
“Sir nandito na si president,” anunsyo ni Citi nang makita ang pagpasok ni Bam at Hari.
Sinalubong naman ni Bam ng bati ang kanilang guro. “Aga niyo Sir ah.”
Nasundan ng mga tingin ang lumalakad na si Hari paharap. Galing ang mga simpleng tingin kay Yao na tanging mata lang ang gumagalaw. Malaya naman si Kenji na tanawin ito, nasa kanyang isip ang simpleng ganda ng dalaga. Habang si Byrus ay tutok na tutok sa pisara na para bang walang makakaharang ng tinging iyon.
Inalala niya ang mga nasabi ni Yao kanina. Why would she even go there kung alam niyang posibleng naroroon ang lalaki?
“She was forced by his bodyguards.”
“Those four who will compete at quiz fest...”
Halos magising ang diwa ni Byrus sa pag-iisip patungkol sa babae nang marinig ang kanilang gurong si Sir Vhon. Mag-aanunsyo siguro ito patungkol sa magaganap na kompetisyon.
YOU ARE READING
DVIRUS: The last section [On going]
Teen FictionAyaw niya talagang mapabilang sa klaseng iyon. Mayroon kasing mga lalaking malakas mang-trip, kinaayawan ng mga babaeng kaklase. May nang-aasar at mapapahiya kang talaga. At mayroong mga lalaki na masama kung tumingin, halos burahin ka sa paningin n...