18

96 6 0
                                    

Chapter Eighteen: The viruses





NAUNANG lumabas si Hari sa bahay. Hindi na ito mapilit ni Bam na sumabay sa kanila. Iniabot din ni Hari kanina ang jacket kay Byrus ngunit tiningnan lamang siya nito at nilampasan. Ngusong napairap si Hari sa kawalan. Nasaksak lang, grumabe na ang pagkasungit, sa isip nito.

Hawak lang nito ang jacket sa dalawang kamay habang naglalakad. Minsan ay lumilingon pa ito sa likod para tanawin kung lalabas na ba ang sasakyan. Bahagya namang bumagal ang lakad niya nang lumabas na nga ito hanggang sa madaanan siya.

Gumalaw pagilid ang kanyang mga mata, pilit tinatanaw ang mga nakasakay sa loob. Ngunit ang totoo, iisa ang gusto nitong makita.

Mula naman sa sasakyan ay tahimik lang si Byrus na sinundan ng tingin ang naglalakad na babae. Nakasandal ang siko nito sa bintana at ang kamay ay nasa bahaging bibig nito animo’y tinatakpan ito. Hindi niya iyon pinahalata sa mga kasama. Si Bam ay halos magkakakaway kay Hari kahit hindi naman siya nakita. At nang makalampas ay natanaw na lamang ni Hari ang likod ng sasakyan at si Dee na ikinakaway ang dalawang kamay.

Huminga ng malalim ang dalaga, bakit ba siya tila nakakaramdam na ng takot sa lalaki?

Nang makarating ay agad siyang sinalubong ng bati ni Rounan. Maging sina Jed at Citi ay inusisa rin siya.

“Bakit ngayon ka lang pumasok ha?” –Citi

“Oo nga Hari, wala tuloy akong friend na makausap. Uhm, saka yung baon mo, binigay ko na lang kay Hugo.” –Rounan

“Hoy president! Exam na nextweek! Magreview review ka naman! Nagawa mo pang umabsent!” –Dee

Si Byrus ay agad namang kinompronta ni Yao. “Did you really let her rent a room sa bahay mo?”

“Tsk, hindi ako! Yung batang ‘yon!”

“At pumayag ka?”

Inis na lang na napairap sa kawalan si Byrus. Ayaw niya talagang ini-interoga siya. Pag-iling na lang tuloy ang nagawa ni Yao.

Naging matiwasay ang daloy ng kanilang klase. Naging sentro rin si Hari nang muli siyang paalalahanan ng kanyang guro na mag-aral ng leksyon dahil sa susunod na linggo na ang kanilang pagsusulit, ganoon din si Rounan kaya naman inalok na nito si Dee at Riki na babayaran sila.

“Two thousand, deal,” pagsang-ayon ni Dee sa ibabayad sa kanya ng kaklase.

Kunot naman ang noo ni Hari sa tatlo lalo kay Dee na halata namang pineperahan lamang si Rounan ngunit tila wala lang sa babae at siya pa ang nag-alok ng presyo.

May pagkakataon na ginusto ni Hari na siya na lang ang magturo ngunit ayaw naman niyang isipin sa kanya na dahil sa pera kaya niya gagawin iyon. Pero kung tutuusin madaling kitaan na. Wala talaga siyang naiisip na paraan para kumita. Nag-aalangan siyang pumasok sa maliliit na kainan dahil ano nga naman bang alam niya sa ganoon.

Bumuntong hininga si Hari. Nakatanaw na ito sa malayo na napansin naman ni Dee at Rounan.

“Ano namang binubuntong hininga mo d’yan president?”

Nilingon niya si Dee. Tinitigan niya ito at iniisip kung sasabihin ba niya ang nais. Sa huli ay nagawa rin niya.

“Meron ka bang alam na pwedeng pasukan?”

“Pasukang ano? Oy, ano ‘yan ha?”

“I mean, a work.”

“Ahh...” minata ni Dee halos ang buong pagkatao ni Hari. “Aba, ngayon nakakahingi ka na ng tulong sa akin ha.”

Inirapan na lang siya ni Hari, sabi na nga ba at wala siyang maitutulong kundi pang-uuyam sa kanya.

“Bakit mo kailangan ng trabaho, Hari?”

DVIRUS: The last section [On going]Where stories live. Discover now