Chapter Fifteen: Birthday ni Byrus, hindi nag-imbita
"Hindi na ba natin isasama si president?" pagtatanong ni Bam kay Byrus. "C'mon By, isama na natin siya. Napaka-kj mo naman! Nag-birthday ka lang umayaw ka na sa tutoring session niyo. Ayaw mo lang siya na nandoon e."
"Pwede ba, tumahimik ka nga!" asik sa kanya nito habang pababa sila ng hagdan.
Nauuna na sina Hari at Rounan na ayaw makasabay ang mga ito ngunit si Byrus ay kinukulit na nina Bam at Dee.
"Oo nga! Isama na natin si president para may mapagtripan tayo hahaha," sambit ni Dee.
"Asa ka, ikaw nga natatakot do'n e," pang-aasar naman ni Citi dito kaya naman inambahan na siya ng kaibigan.
"Just invite her By, walang mawawala," pagtawa naman ni Lemon.
Hindi pa man sumasagot si Byrus sa kanila ay hinabol na ni Dee sina Hari at Rounan. "It's Byrus birthday, sumama ka raw," anunsyo nito kay Hari.
Tumingin si Hari kay Rounan na parehong nakahawak sa sling ng bag nito bago muling tumingin kay Dee. "Pakisabi Happy Birthday. Pero hindi na, salamat sa pag-imbita. May pupuntahan din kasi ako."
Hindi man gustong ipakita ngunit inaalala niya talaga si Rounan. Ayaw niyang iwan ito basta, pero ang isa pang nasa isip niya ay ang hindi pagbanggit ni Byrus na kaarawan nito gayong nakapag-usap sila kahapon at kanina.
Pero bakit ba? Hindi naman sila malapit sa isa't-isa para ipaalam niya iyon. Pagtaliwas ng kanyang isipan. Pero nanaig pa rin ang katotohanan na kaya hininto na nito ang sinabing pagtuturo sa kanya ay para hindi ito imbitahin sa araw na ito.
Pero, pakialam nga naman ba niya at pakialam ni Byrus sa kanya?
Tumingin naman si Dee kay Rounan. "Tss, syempre kasama ka. Baka sabihin mo ang kj namin 'no."
Guhit na lamang na ngumiti si Rounan nang makita rin nito ang papalapit nang sina Byrus kasama si Kenji, Lemon at Yao.
"Hindi na. Si president na lang isama niyo. May practice pa kasi ako."
"Practice? Anong practice ha?" usyoso naman ni Jed sa mga ito.
"Sumama ka na, payag naman si By e," nakangiting sambit naman ni Hugo saka ngising tiningnan si Byrus.
Akmang lalagpas lang sana ang mga ito sa kanila nang si Bam naman ang nagsalita. "President, iniimbitahan ka ni vice dumalo sa birthday niya hihi."
Inis na pag-ikot na lamang ng mata ni Byrus ang tumama kay Bam gayunpama'y muling tumingin ito kina Hari.
"Fine, baka sabihin mo ang damot ko eh," pang-aasar lamang nito saka naglakad na. Natawa na lang ang ibang kaibigan.
"See? Kaya 'wag ka nang pabagal-bagal d'yan!" ani Dee.
Ngumiti rin sa kanya si Kenji ngunit masama naman ang tingin ni Yao, sa kanya at sa katabi. Sunod-sunod nang nagsisunod ang iba liban kay Bam na hinihintay ang dalawa.
"You can go Hari, hindi rin talaga ako pwede eh," nakangiting ani Rounan.
Walang nagawa si Hari nang akayin na siya ni Bam. "Let's go presi. Hoy ingat ka sa pag-uwi, Bernardo," pagsigaw din nito sa nakahintong si Rounan na pinagmamasdan sila.
Nakarating ang lahat sa bahay. Huli namang dumating si Hari kasama si Kenji, hindi kasi ito sumakay sa kotse nila Byrus nang mapagtanto niyang ididiretso siya ni Bam doon. Bagkus ay tumigil siya sa nakaparadang motor na sakay si Kenji. Doon na siya nagpaalam sa lalaki kung pwede siyang sumabay dito.
"Oy Kano, tagal niyo! Si president?" pagtatanong ni Bam.
"Si Tito Bam nakapunta lang dito isang beses kinlose na," nguso namang komento ni Citi.
YOU ARE READING
DVIRUS: The last section [On going]
Teen FictionAyaw niya talagang mapabilang sa klaseng iyon. Mayroon kasing mga lalaking malakas mang-trip, kinaayawan ng mga babaeng kaklase. May nang-aasar at mapapahiya kang talaga. At mayroong mga lalaki na masama kung tumingin, halos burahin ka sa paningin n...