Chapter Ten: Weird na batas
“BAKIT mahusay kang makipagbasag-ulo?”
“What?”
“You heard me,” anito na bumalik sa pagdadampi ng bulak sa gilid ng kanyang bibig.
“My Dad thought me,” maikling sagot lamang nito.
Tiningnan siyang muli ni Kenji. Sa mga nakita niyang pakikipaglaban nito kay Peter at sa mga lalaki kanina mukhang hindi lang basta iyon itinuro lang. Inaral niya kaya naman makikita ang kahusayan.
“Do you... really has connection with Warren?”
Ngayon ay si Hari naman ang tumingin dito. Ngumiti ng pilit at bumaba ang tingin sa sahig.
“Iyon ‘di ba ang gusto niyong malaman tungkol sa akin?”
Hindi sumagot ang lalaki, hindi niya alam kung paano sasagutin doon ang kaklase kaya naman nanatili na lamang siyang tahimik.
Huminga ng malalim si Hari. “Yung narinig mo kanina, tama ang lahat ng ‘yon. Kung pinipilit ng mga kaibigan mong may koneksyon ako sa kanya okay sige, meron nga akong koneksyon sa kanya. I’m with them before, pero sa lahat ng nakakatagpo nila kayo ang hindi ko kilala,” anito na muling tumingin kay Kenji at nagpatuloy. “Wala akong nalalaman sa inyo hanggang makapasok ako sa school ninyo. Pero nang panahong ‘yon, hindi na ako kabilang sa kanila. Because of an accident, kaya naman, wala na akong koneksyon na ano man sa kanila.”
Tahimik lang na nakatingin si Kenji sa kanya. Mali pala ang iniisip nila Byrus kung ganoon.
Pero dahil siya si Byrus ay walang pagkakaiba iyon sa kanya, koneksyon pa rin iyon lalo kung malalaman niyang naging interesado ang babae kay Warren na katunggali nila.
“Tama rin ang narinig mo kanina. I did like that man," pagpapatuloy nito saka pagak na ngumisi. Alam niyang iniisip ng lalaki iyon ngayon. “Napakatanga lang para ipagpilitan ko ang sarili sa kanya. I know even before, iba ang nagugustuhan niya.”
Saglit na nakaramdam ng halo-halong emosyon si Kenji. Awa, mangha at lungkot ang nadarama niya para sa dalaga. Naalala niya tuloy kung paano ito pakisamahan ng mga kaibigan. Nangisi siya doon. Hindi man ikwento lahat ay mukhang nahihinuha na rin niya ang pinaghuhugutan ng kaklase.
“Then be one of us.”
Pinagpapasalamat na lamang ni Hari na maghapon ang kanyang pasok kaya hindi siya mamamalagi sa mansyon na kasama ang kanyang tiyahin. Kung tutuusin ay hindi naman sila ang tunay na nakatira doon. Kung hindi lang niya kailangan ng mag-gagabay ay sana namumuhay siyang mag-isa ngayon.
“Akyat na, ano pang tinatayo mo d’yan?”
“Oh? Kenji...” gulat na bati sa kanya ni Hari. Nakaharang pa kasi ito sa gate ng kanilang hagdan na tila tulala at malalim ang iniisip.
“Tsk, akyat na,” pandidilat pa nito nang nakapamulsa at ang isa ay hawak ang nakasukbit na bag sa balikat.
Umakyat na si Hari dahil sa pagmamadali sa kanya ng lalaki. Pwede naman kasi siyang maunang umakyat, may espasyo naman para makadaan siya.
Lumingon siya dito na sinulyapan ang mukha ng lalaki.
“What?”
“Uh, okay na ba yung mga sugat mo?”
“Nang-aasar ka ba? Porket wala ka halos tama.”
“Tss!”
Ikinagulat at ikinangisi na lang din ni Kenji ang ginawang iyon na pang-iisnab ni Hari.
YOU ARE READING
DVIRUS: The last section [On going]
Teen FictionAyaw niya talagang mapabilang sa klaseng iyon. Mayroon kasing mga lalaking malakas mang-trip, kinaayawan ng mga babaeng kaklase. May nang-aasar at mapapahiya kang talaga. At mayroong mga lalaki na masama kung tumingin, halos burahin ka sa paningin n...