Chapter Twenty-Nine: Where do you live, Rounan?
NAKUHANG tsempo ni Carla ang pag-iwan ni Dee kay Rounan nang magtungo ito sa banyo ng mga babae. Doon ay inabangan niya ang paglabas nito sa isang pinto. Bumakas naman ang pagkagulat sa mukha ng dalaga nang makita ito at lumapit sa kanya.
“Anong kailangan mo sa ‘kin?”
“You know me right?”
Tumango si Rounan bakas pa ang kaunting kaba.
“C-carla,” alanganing sagot nito na inihakbang ang paa paatras.
Ngumiti si Carla ng pagkatamis-tamis saka muling nagsalita ng malumanay. “Great. Hmm, I want you to follow me.”
“At bakit naman ako susunod sa ‘yo?”
“Relax. I just want to show you something.”
Nakangiting lumabas si Carla. Marahan din itong naglakad na medyo nagpapalinga-linga sa paligid. Tahimik namang sumunod si Rounan dala ang kuryosidad kung bakit siya nito gustong kausapin.
“I only went here para malaman ang gusto mong mangyari. Now, if this is about my classmates lalo na kay Hari, I’m telling you, leave them alone.”
Ang totoo’y nais makaharap ni Carla ang babaeng nag-iisang malapit kay Hari. Ngunit hindi nito inasahan ang tinatagong tapang para sumagot sa kanya ng ganoon si Rounan. Pero ang malaman iyon ay tila ikinatuwa niya rin.
Mura siyang napangisi, “Damn! Who are you at bakit ganyan ka katapang?! Well I’m liking it. Na-challenge tuloy ako sa ‘yo. If I pull your hair right here, anong magiging reaksyon mo?”
Lumapit ito sa kanya na ang ngisi ay hindi nawawala. Gaya niya ay napagtatanto na rin ni Rounan na may iba kay Carla na hindi nito pinapakita sa ibang tao. Malayo sa sopistikadang babae na kanyang nakikita noon.
Naramdaman niya ang sakit sa pagsabunot sa kanya ni Carla. Malapit iyon sa kanyang anit kaya naman halos mahatak maging ang katawan niya patalikod nang gawin iyon sa kanya ng babae.
“I want you to do this for me. Huwag kang magkakamaling magsumbong kung ayaw mong lumabas ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Sanciangco.”
“W-what are you talking about?”
“You know what I mean. Kaya kung natatakot kang may mangyari d’yan sa kaibigan mo, susundin mo lahat ng ipag-uutos ko.”
“Ano bang alam mo tungkol kay Hari?” matapang na sagot muli ni Rounan habang hawak pa rin ang parehong kamay ni Carla na nakakapit sa kanyang buhok. “I don’t even know who she is, kaya bakit ako kinakausap mo?!”
Hindi makapaniwala si Carla na niluwagan ang pagkakasabunot sa buhok dito. Natatawa nitong binigyan ito ng pagtatanong sa kanyang mukha. “What are you saying?”
YOU ARE READING
DVIRUS: The last section [On going]
Teen FictionAyaw niya talagang mapabilang sa klaseng iyon. Mayroon kasing mga lalaking malakas mang-trip, kinaayawan ng mga babaeng kaklase. May nang-aasar at mapapahiya kang talaga. At mayroong mga lalaki na masama kung tumingin, halos burahin ka sa paningin n...