Chapter Sixteen: Pag-agawan si Hari
ARAW ng sabado, nagkaroong muli ng kaganapan sa inabandunang lupa sa stamp side. Dito nagkakaroon noon ng mga ilegal na karerahan. Malayo sa istasyon ng pulis at wala gaanong tao kaya naman madalas ang mga kasiyahan ng mga kabataang gustong lumaya sa kanilang mundo. Tulad na lamang nila Byrus kasama si Lemon, Yao at iba pa, dito sila nagkakaroon ng saglit na kasiyahan at kalayaan noon.
Sa kabilang banda ay naroroon sina Warren, Justin, Owen, Marco at iba pa nitong mga kasama. Gumawa ng signal sina Warren para magkaroon ng isang paghaharap. Ang pagsugod nila kay Kenji, ang pagsira nito sa kotse ni Byrus, at kailan lang ay ang pagpapakita nila kina Jed at Mike na pauwi noon sa kanilang bahay. Binanggit nito sa dalawa ang kagustuhang paghaharap nila nina Byrus.
Hindi inalintana ni Byrus ang magiging resulta ng magaganap, ganoon din sina Lemon, Kenji at Yao na galit na galit dahil sa ginawa nila sa mga kaibigan.
“Napakarumi niyo maglaro. Kailan ba kayo naging patas?” walang emosyon ngunit may bahid na galit sa boses ni Yao.
“Beating two people laban sa sampu? Tss, gano’n ba kayo katakot?” pag-ngisi naman ni Lemon.
Nagsalita rin si Peter na nagtitimpi sa galit. “Gano’n ang depenisyon nila sa laban. Eight against one, five against one and ten against two. Masyadong napaghahalataang mahina.”
“Damn! Ang dami niyong salita!” yamot namang sagot ni Warren.
“What do you want?” diretsong tanong lamang ni Byrus.
“Hmm, a fight between us?” mapanglokong ani Warren. Ngumisi ang mga nasa gilid at likod nito.
Nagsalita naman si Hugo ng ksnyang opinyon, walang paggalaw at nakatitig lang sa mga lalaking medyo malayo sa kanila. “He won’t play it fair. He will not take it seriously. Hayaan mo kaming sumugod din, By.”
Pumagilid ang mata nito sa nasa gilid na si Hugo. “Do it kung kailangan ko na. Pero ako muna lalaban,” anito at muling tiningnan si Warren. “If I beat you, wala ka nang kakantiin ni isa sa kanila. Leave them alone.”
Pagak na tumawa si Warren na ikinapagtaka nila Byrus. “That is not what I want as compensation. Well, nung una siguro but you know I love games,” sarkastikong anito at muling sumeryoso. “If I beat you, you will let Cyrene go. Tangina mo Byrus! Alam kong binabalak niyo siyang maging isa sa inyo.”
Walang nakapagsalita sa grupo nina Byrus. Lahat sila ay gulat sa tinuran ng lalaki. Ganoon niya kagustong makabalik sa kanila ang babae.
“She’s not the reason why I scratch your car, and them beating Kenji. But recently, nalaman ko ang binabalak niyo kaya naman nagpadala na ako ng mensahe, malas lang ng dalawa mong kaibigan na walang binatbat.”
Halos bumulong ng mga mura sina Byrus sa pang-iinis na naririnig kay Warren. Nakakuyom na rin ang mga palad nito sa galit maging sina Lemon at Yao, lalo na si Kenji na halos gusto nang sumugod.
“Masyado ka naman kasing takot para magpadala ng mensahe sa sampung tao. Kaya ka kilalang maduming tao eh.”
Sa binanggit ni Byrus ay hindi rin naitago ni Warren ang galit. Unti-unti itong lumapit na sinenyasan lang ang mga kagrupo na walang susunod. Nakatitig lang doon si Byrus at ang iba.
“Stay away from her,” seryosong ani Warren.
Hindi muling sumagot doon si Byrus. Bakit si Hari ang magiging dahilan ng labanang ito? Inaasahan niyang kapag nagharap sila ay lalayuan nito ang mga kaibigan sakaling matalo niya ito. Iyon talaga ang nasa kanyang isip nang makita sina Jed at Mike ng araw na iyon. Halos pumutok ang labi ni Jed at ang mata ni Mike, pareho ring may mga pasa at sugat ang kanilang braso’t kamao.
YOU ARE READING
DVIRUS: The last section [On going]
Dla nastolatkówAyaw niya talagang mapabilang sa klaseng iyon. Mayroon kasing mga lalaking malakas mang-trip, kinaayawan ng mga babaeng kaklase. May nang-aasar at mapapahiya kang talaga. At mayroong mga lalaki na masama kung tumingin, halos burahin ka sa paningin n...