Chapter Fourteen: Ayaw na at ayaw sa kanya
“I did liked him.”
Inaasahan ma’y gulat pa rin ang nadarama ni Byrus, hindi niya akalaing kabaliktaran ang nasa isip niya at ang katotohanan. Pero tama nga ba?
“Does he like you?” pagkokompirma pa rin niya.
Umiling si Hari na tumanaw na sa malayong langit. “I like him, but he’s not with me...”
Sa pag-alala ng naikwento ni Kenji sa kanila, lihim siyang napamura.
So this is what Kenji already knows and never told us.
Gumalaw ang panga ng lalaking si Byrus. “Yet he’s so into you.”
“He needs me. Dahil kailangan niya lang ako,” sagot nito na tiningnan ang lalaki.
Sa huli ay nagawa na lang ding titigan ni Byrus si Hari. Ngunit hindi na rin nito nagawa pang magtanong.
Lumipas pa ang ilang minuto ay dumating si Bam. Hawak nito ang plastic na naglalaman ng burger at tatlong bote ng softdrinks.
“Sorry By, ubos na stock natin kaya bumili na lang ako sa labas ng burgers at heto, softdrinks,” pag-abot nito kay Hari.
Taka iyong inabot ng dalaga, paano niya iinumin iyon gayong sarado pa ito?
Napansin naman iyon ng lalaki saka tiningnan si Bam. Minsan talaga ay may kumukulang sa isip nito.
Hinablot ni Byrus ang hawak na bote ni Hari saka hiningi kay Bam ang isa pa, ginamit niya ang isa para buksan ang isa pa. Tumalsik ang tansan nito kung saan na sinundan ng tingin ng dalaga.
“Ah hehe, sorry president,” pagngiti ni Bam.
“Hindi mo siya kinuhanan ng baso? Baka maselan ‘yan.” anitong abala na rin sa pagtungga ng kanya ngunit agad niyang nilingon si Hari nang mapansing ginawa na rin nito iyon na parang wala lang.
“Sorry president, hindi sila gumagamit ng straw eh.”
“Ayos lang,” pagngiti lamang nito. Iba ang nararamdaman niya ngayon na hinihiling niyang sana habaan pa ng oras.
“Bam ang itawag mo sa ‘kin. O tito Bam. Yun kasi nakasanayan nila Hugo eh hehe.”
“Okay, Bam,” pangiti muli ni Hari.
Nakangiwi lang ang isang lalaki na sa kanila’y nakatingin. Kalauna’y hindi na rin nito pinansin ang dalawa at tumayo na. “Magsabi ka lang kung uuwi ka na,” anito at bumaba na.
Hindi na lang sumagot ang babae na tumingin kay Bam.
“Nakapagturo ba siya sa ‘yo? Bakit parang ang bilis?”
Nginitian siya ni Hari dahil wala naman talagang naganap na ganoon. Pero may naisip rin siyang itanong. “Uhm, yung isa niyong kasama, hindi ko na siya nakita.”
“Ah, natulog na ‘yon. Hindi kasi palakausap ‘yon eh.”
Tumango ito bahagya, “Uhh, magkaano-ano ba sila ni Fontanilla?”
“Si Byrus? Ah, bale parang siya na ang guardian ni Riki nang mamatay ang mama niya. Actually, yung kuya niya talaga. Pero si Byrus na ang pinaka-kumupkop sa kanya.”
Tumango-tango muli si Hari sa nalaman niya. Hindi niya inasahan iyon.
Saglit pang tumingin si Bam sa pababang hagdan saka umayos ng upo. “Alam mo kasi, parehong namatay sa aksidente ang mama nila,” pagkukwento nito, ‘di alintana na si Hari ang kanyang kausap.
“Pati ang ina ni Byrus?”
Tumango si Bam. “Oo. At simula no’n naulilang lubos si Riki dahil wala ring kinilalang ama ito at walang kamag-anak na nagpakilala. Kaya ang kuya ni Byrus ang naging legal guardian na nito. Pero kinuha siya ni Byrus, tutal kay Byrus gustong sumama ni Riki eh.”
YOU ARE READING
DVIRUS: The last section [On going]
Teen FictionAyaw niya talagang mapabilang sa klaseng iyon. Mayroon kasing mga lalaking malakas mang-trip, kinaayawan ng mga babaeng kaklase. May nang-aasar at mapapahiya kang talaga. At mayroong mga lalaki na masama kung tumingin, halos burahin ka sa paningin n...