Chapter Thirteen: Welcome to our house
MATAPOS ganapin ang kanilang pagtitipon sa umaga ay sabay na nagsiakyat ang lahat ng mga estudyante. Dumaan sina Byrus sa harapan ng kanilang gusali. Natanaw naman nila sa pasilyo ang grupo nila Paulo kasama sina Camille. Naroon din ang iba pang kinayayamutan nila tulad nina Kenneth, Miro at ang isa pang namumunong si Carla.
Masama ang tingin ni Camille nang matanaw si Hari na kasunod ng mga lalaki. Wala namang pakialam ang grupo nina Byrus na ang iba ay nagtatawanan lang habang lumalakad. Ngunit si Hugo at sa kapilyuhan nito’y nagawa pang sumaludo sa mga ito.
“Let’s go. Wala naman tayong mapapala sa mga ‘yan,” ani Paulo sa mga kaklase saka nagpaunang umakyat.
Tiningnan ni Camille si Lawrence na nakatanaw sa mga naglalakad, nasa hagdan ito habang nakasandal sa pader at katabi ang kaibigang si Francis. Alam niyang sa isang tao ito nakatingin gaya nang makita niya ito nakaraan na pinagmamasdan si Hari mula sa malayo. Dahilan kung bakit mainit ang dugo niya para sa babae.
“Enough Camille. Naabswelto ka na sa guidance. If you don’t want to have a record there again, don’t do anything stupid,” paalala naman ni Carla.
Nilingon siya ni Camille na masama ang tingin. “Huwag nga ako awayin mo! That girl is a bitch akala mo!”
Bago umakyat ay muling tiningnan ni Camille ang ngayong papalayo nang section Emerald.
“Ano ba kasing ginawa mo kay Camille, president? Pati tuloy si master nadamay sa iyo. ‘Yan tuloy na-guidance siya!” inis na pagtatanong naman ni Dee na sinabayan si Hari sa paglalakad. Narinig iyon nila Byrus.
“Pwede ba, wala akong ginagawa sa kanya!” yamot na sagot nito saka kunot noong pinagmasdan ang nasa unahan at naglalakad na si Byrus kasama ang iba pa. “Someone said they won’t try to mess with me again dahil inutos niya. Tss! Sinungaling,” nabubulong pa nito sa huling sinabi.
Takang tiningnan siya ng iba ganoon na rin si Dee na nakasimangot dito ngunit iba ang awra ni Byrus. Kahit patuloy na naglalakad ay ngumiwi ito ng maliit nang mapagtanto ang sinabing iyon ni Hari. Sa isip niya’y namumura pa ang ginawa ni Camille at ng kanyang mga kaibigan.
Pero para maiba ang usapan ay muling nagsalita si Hari. “Hindi ko alam ikinagalit ng Camille na ‘yon, o baka kasi narealize niya na mas may itsura ako sa kanya.”
“Whoaaa,” manghang pagkanta nila Citi, Jed at Bam.
“Iba rin ang president natin. Ang taas ng confidence!” pang-aasar na ni Dee na umismid sa muling sinabi nito. “Maganda ka nga. Lowest naman lagi sa exams,” sambit pa nito.
Tumawa ang ilang nakarinig, nakisali rin si Jed sa usapan. “Sang-ayon ako, maganda ka pero...” anito tipong tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa.
Ngunit ang sasabihin sana nito ay hindi na niya naituloy pa dahil sa kakaiba na namang titig ng babae.
“If I want kaya kong lagpasan ang score mo,” buryo lang na sagot ni Hari kay Dee habang ang isang kamay ay nakapamulsa rin sa palda nito.
“Wehh. Ikaw? Eh ikaw nga laging bagsak sa atin.”
“Gusto mo ba akong subukan?”
Napahinto sa pag-akyat si Dee nang sabihin iyon ni Hari sa kanya. Malapit pa ang mukha kaya bahagyang napasandal ito sa pader nang makaakyat na sila.
“H-hoy. Iba na ‘yan ah. Hindi kita type ‘no.”
Pagak na mga tawa naman ang narinig nila sa mga kalalakihan, mangha namang napatigil rin si Jed na kasabayan na ng mga ito sa pag-akyat.
YOU ARE READING
DVIRUS: The last section [On going]
Teen FictionAyaw niya talagang mapabilang sa klaseng iyon. Mayroon kasing mga lalaking malakas mang-trip, kinaayawan ng mga babaeng kaklase. May nang-aasar at mapapahiya kang talaga. At mayroong mga lalaki na masama kung tumingin, halos burahin ka sa paningin n...