12

81 4 32
                                    

Chapter Twelve: Si Byrus gustong maging tutor pero na-guidance





MULI na namang magkakasama ang apat sa pananghalian, magkakaharap ito na binuong muli ni Dee. Hatak niya kasi ang lamesa’t upuan palapit sa kinaroroonan nina Rounan at Hari, damay nito si Riki na wala namang magagawa dahil si Dee ang palagi nitong kasabay at kasama.

“Minsan nakakaselos nang si Dee palagi ang kasama ni Riki eh. Paano naman ako?” reklamo ni Bam sa katabi ngayong si Byrus.

Sumagot naman si Hugo. “Pa’no kasi Tito Bam, ikaw na lagi ang nakikita niya sa bahay, baka nagsasawa na sa iyo.”

“Naglalagi rin sa bahay iyang si Dee ‘no. Pero minsan bigla na lang mawawala, malaman-laman mo umuwi na pala sa kanila.”

“Hindi ka pa ba nasanay?” ngising tanong lang sa kanya ni Simon.

Habang abala naman ang lahat sa kani-kanilang pagkain ay biglang napatayo si Peter. Sa gulat ng mga katabi nito ay nadako sa kanya ang tinginan ng mga ito.

“Bakit Pete?” pagtatanong ni Lemon.

“Kenji, ang shop mo...”

Naalerto ang lahat nang marinig ang sinabi ni Peter. Napatayo maging si Dee na narinig ang kanilang pag-uusap sa likuran.

“Kuya messaged me. May nagbasag daw ng shop mo. They found small amount of blood, pero natuyo na, kaya mukhang matagal na oras nang nangyari,” –Peter

“Galing ka ba doon kagabi?” –Lemon

Tumango si Kenji. “Maaga akong umuwi. Wala na ring mananakaw do’n, nalinis ko na.”

“What do you mean?” –Yao

“Ibebenta ko na ang shop.”

Nabigla man ay hindi na rin kumontra ang iba. Naupo na rin si Dee na bumalik sa kanyang pagkain. Samantalang nakatanaw naman si Hari kay Kenji. Bakit niya ibebenta iyon? Natatanong nito sa sarili.

“Sigurado ka ba d’yan Kenj?” –Simon

“Delikado na siya ro’n. Pabor ako. Magtatanong na lang ako kay kuya kung may nalalaman siyang lugar na pwede nating matingnan.” –Peter

Ngumiti sa kanya si Kenji. “Thanks bud, pero baka hindi na muna ngayon. May pag gagamitan din ako ng pera.”

Hindi na nila nagawa pang alamin ang tungkol sa paggagamitan nito ng pera. Tiwala naman sila sa kaibigan sa kung ano ang nagiging desisyon nito.

Maya-maya’y may dumating naman na mga estudyante ang nagbigay sa kanila ng mga papel. Inabot iyon ni Dee na nakipagtitigan pa sa mukha ng babae na kabilang sa Aquamarine. May pagngisi kasi ito at tila ba nang-uuyam ang itsura.

“Grabe, may nakakuha talaga ng eleven sa inyo?” natatawa nitong sambit saka mayabang na umalis.

“Yabang mukha ka namang espasol!” hirit ni Dee dito na walang habas niyang pinarinig kahit sa kabilang section.

Nainis doon ang babae. “Kung hindi lang ako naatasan ibigay dito ‘yan, I would never step in this floor, buti nga hindi ko tinapon o ibinalandra ang mga pasang awa ninyong scores.”

DVIRUS: The last section [On going]Where stories live. Discover now