28

61 3 0
                                    

Chapter Twenty-Eight: Ano ang totoo?





“HOY Rounan! Ano nga nangyari sa inyo ni Carla? Bakit nakita namin siya do’n kung nasaan ka? Saka bakit nandoon kayo sa lumang auditorium?” –Dee

“Sabihin mo Rounan, may ginawa rin ba si Carla sa iyo?” –Hugo

“Tinakot ka rin ba niya gaya ng ginawa ni Camille?” –Jed

“Hayss, edi tinakot kung tinakot. Hayaan niyo na nga ‘yang batang iyan. Mukha naman walang nangyari eh.” –Peter

“Anong wala! Nakita rin naming lumabas si Carla kung nasaan si Bernardo. Baka may ginawa sa kanya ayaw lang aminin,” napairap si Dee kay Bernardo sa inis na nadarama.

“I’m fine. Carla didn’t do any harm naman,” sagot naman ng babae sa kanya saka naupo at hindi na kumibo.

Ang lahat ay hinayaan na lang ang kaklase bagama’t mga kunot noo at ngiwi ang reaksyon ng mga ito sa kanya. Ngunit si Dee ay hindi natapos ang mga pagalit na bulong.

Ilang segundo pa’y dumating ang presidenteng si Hari. Nakatuon man sa dinaraana’y ang isip nito’y malalim ang nilalaman.

Sa kanyang pagdaan sa pasilyo patungo sa unahang bahagi ng pinto ay tinanaw nito mula sa bintana ang nakayukong si Rounan. Ganoon din ang mga nakatanaw mula sa loob, pinagmamasdan ng mga ito ang babae na lumalakad at papasok sa kanilang unahang pinto.

Sa pagpasok nito ay hindi napigilan ni Bam ang magtanong. “Anong pinag-usapan niyo ni Sir Vhon, presi?”

Ngumiti si Hari dito na sinagot lamang na patungkol sa gaganaping kompetisyon ang kanilang napag-usapan.

“Ano mga ‘yan?”

“Ah wala—

Hindi na niya naiiwas ang hawak na mga papel kay Hugo. Maging si Citi ay nakitingin dito.

“Forty five over fifty. Talagang nag-iwan ka pa ng limang mali ha. Ano ba ‘to? Ah Algebra. Hah! Magaling ka nga sa lahat, may mga solutions ka pa, kami nga depende na lang sa choices ang sagot eh.” –Hugo

“Bwisit ka Hugo! Ikaw lang huwag mo kami idamay! Ikaw lang gumagawa ng eeny meeny miney mo sa atin!” –Bam

Dumating ang oras ng tanghalian. Ang mga estudyante ay nagkalat na rin sa bulwagan ng kanilang malaking auditoria kung saan hinihintay ng ilan ang kanilang mga magulang na dumalo sa pagpupulong ng mga haligi ng kanilang paaralan. Iyon ay ang mga may malalaking bahagi o porsyento dito.

“Nga pala president, sabi ni Byrus kanina huwag ka daw lalayo. Posible kasing nasa paligid lang ng campus si Jerome,” ani Bam na kasabay nitong naglalakad.

Napaisip si Hari sa kanyang sinabi. “Talaga bang mangyayari ang sinabi ni Krystal? At kung mangyari man, why would you even bother to back me up? Especially your friend, Byrus. Bakit niya gagawin ‘to?”

Nagkibit balikat ang lalaki saka naupo sa batong upuan, ganoon din ang ginawa ni Hari. Malaya ng mga itong tanawin ang mga kaklase na nasa di kalayuan at nakakalat, ang ilan ay umiinom pa ng kanilang mga inumin.

“Pagmasdan mo yung mga estudyante, ‘di ba ayun yung mga Garnet. Kumbaga sa klase o estado ng mga tao nabibilang sila sa middle class, may iba na average lang pero may utak,” turo pa nito sa kanya ring utak.

“Hindi rin sila basta-basta kasi may mga kapit din sa matataas. Tingnan mo sila, ayun naman ang mga Ametistang hilaw! I mean, mga Amethyst na hindi nalalayo sa Aqua. Mayayaman din ang pamilya dahil propesyunal ang mga magulang. Pero gaya din ng mga Garnet, ang mga ‘yan may kapit din sa matataas. At ang huli, siguro naman sobrang pamilyar ka na sa mga mukha nilang lahat. Hindi nalalayo sa pangalawang section pero kung babasihin sa mga kasuotan, marami sa babaeng Aquamarine ang mapapansin mong naiiba talaga. Branded ang kagamitan at may magagarang sasakyan. Ang iba sa kanila, nagdadrive na ng sarili nilang kotse.”

DVIRUS: The last section [On going]Where stories live. Discover now