Chapter Twenty-two: President and Vice President
“PRESIDENT heto, kumain ka ng gulay para tumaba ka naman.”
Ngiwing napabaling lang si Hari kay Bam nang alukin siya nito. Umuwi si Dee kaya naiwan silang tatlo. Medyo nakakaramdam tuloy siya ng pagkailang, mabuti na lang at masaya ring kasama si Bam.
Ngumiti ito pagkatapos. “Huwag mo na ako tawaging president dito.”
“Ahh. Hehe, nasanay na kasi ako eh. Sige, Hari...” tuwang anito. Ngiwi naman silang minamata ni Byrus.
“Uhm. Binanggit pala ni Dee yung tungkol sa birthday ni Peter. Magpupunta raw kayo ng la Costa?”
“Ah ‘yon? Napagplanuhan nga iyon pero hindi pa kami sigurado. May pasok din kasi birthday niya eh. Pero kung matutuloy, sasama ka president?” natutuwang tanong ni Bam.
Ngumiwing muli si Hari, nag-iisip ng sasabihin. “Uh, hindi siguro. Hindi ko alam,”
Hindi mawaring tingin naman na nagmumula kay Byrus ang hindi niya malaman kung bakit siya napasulyap dito. Kinuha nito ang isang bandehadong kanin at naglagay sa kanyang plato. Tahimik din nitong inabangan pa ang pag-uusap ng dalawa.
“Aww, ba’t hindi mo alam? Pwede kang sumama sa amin president kasi syempre president ka ng klase namin kaya hindi pwedeng wala ka.”
Muli ay ngiwing napangiti na lamang ito.
Tumingin naman sa kanya si Riki. “You can go with Rounan. I’ll ask kuya Peter,” anito saka muling tumuon sa kanyang pagkain.
Gulat itong nilingon ni Hari, napangiti rin siya sa sarili dahil sa sinabi ng katabi.
“Pumayag ka na president. Masaya do’n,” pagkumbinsi pa ni Bam.
Sa ipinakitang inis ay sinagot ni Byrus si Bammeron. “Imbita ka nang imbita hindi naman ikaw may kaarawan! And that’s not even sure nagsasama ka na ng iba!”
Napatulala na lang si Hari dito maging kay Bam na ngingiti lang na tinugon ito.
“Hehe, malay lang natin ‘di ba. Saka hindi na rin iba sa atin si president, ‘di ba president?” nangingiting baling pa nito sa kanya.
“Uhh... k-kumain na tayo.”
Sinulyapan ng lalaki si Hari, pasimple at tila ba pinakikiramdaman ang nasa tabi.
Tumikhim si Byrus. “Handa ka ba sa quiz fest na ‘yon?”
“Uh, hindi ko alam kung paano ba gagawin ‘yon but I’m fine. Pwede akong magreview para makapaghanda.”
Tiningnan muna siya ni Byrus habang isinubo ang kutsara ng kanin at ulam. Waring sinusuri niya ito na ikinailang naman ng dalaga. Habang si Bam ay pinanonood lang ang dalawa.
“You don’t need to review your notes. Hindi sa mga pinag-aralan na natin huhugutin ang questions doon.”
“Gano’n ba?”
Muling tiningnan ng lalaki si Hari na tumuon na sa kanyang pagkain. Iyon lang ba ang kanyang sagot? Hindi ba siya magtatanong pa ng iba? Simpleng ngumisi ito at binalewala na lang ang nangyari.
Nang matapos sila ay tumulong pa si Hari na maghugas na kahit mabagal ay tsinaga ni Bam na turuan ito. Lukot ang mukha namang pinanuod iyon ni Byrus na nasa hapag pa rin at prenteng nakaupo sa upuan habang sumisimsim ng kanyang kape.
“Kuya, why are you looking at her intensely?”
Halos masamid naman ito dahil sa nagsalitang si Riki na nasa tabi pa pala niya at pinanonood silang dalawa.
YOU ARE READING
DVIRUS: The last section [On going]
Teen FictionAyaw niya talagang mapabilang sa klaseng iyon. Mayroon kasing mga lalaking malakas mang-trip, kinaayawan ng mga babaeng kaklase. May nang-aasar at mapapahiya kang talaga. At mayroong mga lalaki na masama kung tumingin, halos burahin ka sa paningin n...