Chapter Twenty-Three: Nasaan si Byrus?
“ANG sabi mo, from pilot section sina Byrus? Iyon ba dahilan kaya napunta siya sa huling klase?”
“Oo. Actually hindi naman na problema ng school dahil sa labas naman nangyari. Pero nagalit nga sa kanya sina Kenneth. At dahil sa ginawa nina Byrus nagalit din si Paulo, o kasi talagang mainit na dugo niya kay Byrus noon pa man. Dahil sa sunod-sunod na kasalanan ni Byrus galit na sa kanya tatay niya, kinumpiska lahat sa kanya. Pero wala lang naman kay By iyon, kahit halos kawawala lang ng mama niya no’n. Siya na rin nagpalipat ng klase dahil ayaw din naman talaga niya sa section’g iyon. Pero ang totoo, para hindi na madamay si Riki sa anumang gulong masangkutan pa niya. Wala halos kakampi si Byrus no’n, dahil kahit kuya niya nagalit sa kanya. Iniwan siya ng dating grupo niya. Isa lang naman ang hindi bukod kay Riki.”
“Sino?”
“Si Yao. Si Yao lang ang sumama kay Byrus at ang bukod tanging hindi nagalit sa kanya kahit nadamay rin siya. Matagal na silang magkaibigan eh. Pero hindi rin nagtagal, sumunod si Riki sa kanila, hahaha. Nagpalipat din kasi siya ng klase. Kaya wala nang nagawa ang kuya ni Byrus.”
Tumango-tango si Hari sa kwento nito. “Gano’n pala,” pagngisi rin niya.
Nakaramdam ito ng kaunting inggit at pagtatanong sa sarili. Bakit siya hindi naging ganoon? Bakit siya ay walang naging kaibigang totoo? Naalala niya ang mga panahong nakakasama niya pa si Warren. Ang ilang babae sa grupo nito’y nilalayuan siya dahil malapit sa kanya ang lalaki. Magkaroon man ng kaibiga’y hindi rin tumatagal at tila hindi talaga siya ginugustong kaibiganin.
“Oo, at doon na nga nabuo ang grupo nila. Nasa klaseng iyon din kasi sina Lemon, Peter, Simon, Hugo, Citi, Mike at si Jed. Bagong student sa kanila si Kenji. Pero kilala na siya nina Peter. Tapos sa kalagitnaan ng school year dumating si Dee. Nagpatransfer na pala pagkatapos makita sina Byrus at Riki. Pero ang sinabing dahilan daw niya ay dahil maganda ang uniform namin,” anitong natatawa pa.
Natawa rin si Hari, kahit pa alam na niya ang kalokohan ni Dee ay hindi niya pa rin inasahan iyon. Sa tagal rin na nakakasama niya si Dee ay nakilala na nito ang ugali nitong tumatanggi pero iba ang nasa loob o ang nararamdaman.
“Eh ikaw? Ang sabi mo magdadalawang taon na kayong magkasama nina Byrus dito sa bahay.”
“Tinutukoy mo ba ay kung paano ko sila naging kaklase?”
“Hmm, given naman na. Kasi bumagsak ka? Kaya hindi ka nakagraduate.”
“Hahaha, iyon nga ang dahilan. Pero ang totoo, sinadya ko ring ibagsak yung 4rth year ko.”
“Ha? And why would you do that?”
“Para makasama sila,” nakangiting anito.
Hindi iyon inasahan ni Hari. Grabe pala ang pagtitiwala nito kay Byrus. Ngayon napaisip siya, hindi lang isa, dalawa ang nasa tabi nito at nagtitiwala sa kanya. Noon pa man ay kasama na rin si Bam sa mga totoong kaibigan ni Byrus.
“Gusto kong bantayan si Byrus. Sila ni Riki. Malaki ang utang na loob ko kay By eh, kasi kung wala siya? Siguro pariwara na ako ngayon, napagod sa pagtatrabaho na pagkukumpuni ng mga sasakyan at hindi nag-aaral. Sila ng kuya niya ang bumago sa buhay ko. Kaya naman nangako ako sa kuya ni Byrus na babantayan ko ang kapatid niya, pagbigyan niya lang ako sa isang hiling hehe.”
“Anong hiling naman?”
“Na huwag niyang ipull-out scholarship ko sakaling ibagsak ko ang 4rth year ko no’n. Nagalit siya sa ‘kin, bakit ko raw ba gagawin ‘yon para sa kapatid niya? Sayang daw kasi. Pero ang sabi ko, kasi dahil gusto kong makasama sina Byrus sa huling taon nila bilang highschool. Gusto kong maranasan na mayroon akong mga kaibigan at masasabing... naging makabuluhan ang kabataan ko. Na meron akong masayang ala-ala ng highschool ko na sila ang kasama. Ayun, pumayag naman kahit nakatikim ako ng maraming sermon.”
YOU ARE READING
DVIRUS: The last section [On going]
Teen FictionAyaw niya talagang mapabilang sa klaseng iyon. Mayroon kasing mga lalaking malakas mang-trip, kinaayawan ng mga babaeng kaklase. May nang-aasar at mapapahiya kang talaga. At mayroong mga lalaki na masama kung tumingin, halos burahin ka sa paningin n...