Part 17

29.9K 974 145
                                    


TUMILI nang pagkalakas-lakas si Amari nang mahimasmasan siya't tuluyang na-realize kung ano ang nangyari.

Hindi na siya virgin. May naka-churva na sa kanya. At hindi lang iyon, sa damuhan sa kawalan sila unang nag-sex, naka-dalawang rounds sila doon. Tapos nang ihatid siya ni Pierre ay agad silang nag-sex na naman sa salas, sa sofa. Tapos sa kuwarto niya, nakailang-rounds sila doon? Hindi na niya matandaan. Literal na ihi lang ang pahinga nila. Kailangan niya yatang kamustahin ang kanyang kama dahil iba na ang tunog niyon, baka bumigay na anytime.

Bumangon siya at dumiretso sa banyo para linisin ang sarili. Tiningnan niya ang kahubdan sa salamin, at nakita niya ang mga bakas ng halik at kagat ni Pierre sa kanyang leeg, sa balikat, sa mga suso niya. Her hair and makeup were a mess.

Tinanggal niya ang makeup gamit ang cream cleanser. For real, though, ano'ng klaseng makeup ang ginagamit ng mga porn actress at parang hindi natitinag kahit pawisan na ang mga iyon at nilalaplap ng mga kapareha? Heto siya't high-end ang gamit na setting spray pero nasira pa rin ang makeup niya.

Nagtaka pa siya talaga? E puwede na nga sila panlaban ni Pierre sa mga porn stars sa mga pinaggagawa nila. Mahihiya ang mga ito sa kanila. Kalat kung kalat sila kagabi. Sigaw kung sigaw. My God, may ganoon pala siyang side. Ang manyak niya rin pala!

Paglabas ni Amari ng banyo saka niya nakita ang orasan sa bedside table. Mag-a-alas dose na ng tanghali. Hindi niya maalala kung ano'ng oras siya natulog, kung kailan nila tinantanan ni Pierre ang isa't-isa.

Impaktong iyon. Sobrang galing pala sa sex at hibang na hibang siya rito. Nasarapan din kaya ito sa kanya? Oo naman siguro dahil parang sinamba nito ang buong katawan niya, ayaw nga siyang tantanan. Buo pa ba kaya ang matris niya? Ang gago at gifted nga talaga sa size.

Muling napasigaw si Amari nang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at lumitaw doon si Pierre. Nakasuot lang ito ng boxer shorts, litaw na litaw ang magandang katawan nitong pinagpiyestahan niya kagabi.

"So it was you. I thought I heard a scream a while ago," sabi nito sabay lapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito— Bakit nandito ka pa?" natatarantang sita niya rito.

At nakuha pa niyang nagtakip ng hubad na katawan talaga? E wala na siya naitago sa lalaking ito. Kahit kaluluwa niya ay naluray na sa mga mapagpalang kamay nito.

"Hinihintay kitang magising."

"What for?"

Ngumiti si Pierre. "Para kumain."

"Hoy, Pedro! Sumusobra ka na! Halos hindi ako makabangon dahil sa ginawa mo sa akin kagabi tapos pakakainin mo na naman ako ng titi mo?"

Ang lakas ng tawa ng lalaki. "What the hell are you talking about? Pagkain ang tinutukoy ko, paanong napunta naman sa titi ko ang usapan?"

Namula ang mga pisngi ni Amari na nagbawi ng tingin. Udlot tuloy ang pag-ikot sana ng mga mata niya.

"Come," ani Pierre, hinawakan siya sa beywang. "Nagluto ako para sa 'yo."

"N-nagluto ka?"

"Nanguha lang ako ng mga food supply sa ref mo. I managed to cook stir-fry broccoli with beef and oyster sauce, I made shrimp scampi, too. The rice is done. Good to know you use Basmati rice."

"Wait lang, magdadamit muna ako," paalam ni Amari.

"Kahit huwag na. You look nice like that," biro naman ng lalaki.

Pinanood siya ni Pierre habang nagbibihis. Strangely enough, wala siyang maramdamang pagkailang dito habang nasa kuwarto silang dalawa. E sa malamang, 'di ba? Ngayon pa ba siya maiilang pagkatapos ng mga ginawa nila kagabi?

Charmed Too Deep (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon