008

3 2 0
                                    

Bakas mo sa Dalampasigan ko

Siguro ayos na ang mga kakarampot na ala-ala, upang tuluyan ng ibaon sa limot.

Kung pwede lang sana balikan ang nakaraan, mga panahong malaya pa kitang nayayakap at nahahawakan.

Gayunpaman, ngayon ay palihim nalang akong nagsusulat patungkol sayo, hindi ko na magawa pang ipaalam pa sa mundo.

Magulo ang Mundo,
kasing-gulo ng utak ko.

Araw-araw nagtutuos kung alin ba ang mas matimbang:
Ang puso o isipan?

Bakit kinailangan kong makipaglaban sa mga tao na ang bitbit ay bibliya?
Mali nga ba talaga ang ibigin ka?

Ngunit sa kabila ng lahat,
Unti-unti ko ng nauunawaan.

Habang ako'y nakaupo sa dalampasigan,
at tinatanaw ka sa may di-kalayuan.
Lakad-takbo mong tinungo ang ibayong direksyon ng mag-isa, hindi ako kasama.
Mga ngiting abot-tainga, na ngayon ko lamang nasilayan at alam kung kailanman ay hindi ako ang magiging dahilan.

Kaya nama'y ikinwento kita sa mga alon,
sa buhanginan kita inilarawan,
at ang mga kapintasan mong itinala ko sa kalangitan.

Hindi ka man naging akin ay gusto kong malaman nila na minsan,
kahit minsan sa buhay ko ika'y naging bahagi.

Salamat,
dahil nag-iwan ng bakas ang iyong paa sa dalampasigan ko,
na walang alon ang makabubura.

Under The Casket Of Hatred And OppressionWhere stories live. Discover now