035

0 0 0
                                    

Lumaban ka ng Patas!

Ako ang kumakatawan sa mga taong sumatutol sa iyong patakaran.
Inaakala ko talaga'y magiging matiwasay ang pagtatagpong ito at magiging maayos ang talakayan hinggil sa iyong programang ipapatupad.

Marapat bang manisi ka?
Wag mo akong subukan Ginang.

Hindi tayo parehas.
Hindi ako nakikipagdigmaan sa mga katulad mong mayayaman subalit mababa ang antas at disiplina sa sarili, kahihiyan!
Hindi ko kailanman sasayangin ang pagbubuga ng kaalaman para lang sa katulad mong mangmang, at hindi tumatanggap ng kamalian.

Wag mo akong idamay sa iyong pagka-inutil, kung sa bagay malaya kang gawin anuman ang iyong gustuhin sapagkat simula pa lamang ay inaako mo na ang hindi mo naman kailanma'y pag-aari!

Isa kang katawa-tawang nilalang na napadpad sa aming lungsod at naghahasik ng lagim!

Nagsisisi ang karamihan sa pakikinig sa iyong kahibangan!
Buksan mo ang iyong dalawang tenga!
Makinig ka!

Hindi mo man lang inalintana ang hinaing ng karamihan sa bugso ng mithi mong maisakatuparan?

Nagiging bastos ka sa lahat, ni wala kang karapatang sumigaw sa harap ng karamihan at magpaulan ng mga maaasim mong salita, aba'y ibang usapan na yan!
Napaghahalataan ka Ginang!

Sige kung gayon ay wag kang makinig, Huwag! Hindi ka pinipilit.
Patigasan tayo ng imbutido!
Kung halang ang bituka mo, mas halang ang akin.

Nawa'y mapagtanto mo ang iyong kamalian sa ganitong paraan, hindi na madadagdagan ang dungis sa iyong mga kamay, dahil malinaw naman sa lahat na anay ka sa tahanan, plakado na sa budhi mo ang pagiging sakit sa Lipunan.

Ang sayo ay sayo,
Ang amin ay amin.
Ang hindi mo pag-aari ay wag mong kukunin.

Dugo at pawis ang aming ginugod, subalit kukunin mo ng walang pahintulot.
Bubuwagin ang mga kabahayan na halos minana pa sa mga ninuno.

Mga kabahayang nawasak na minana pa mula sa kanilang mga ninuno.

Ikaw ba'y nagdiwang dahil sa iyong paraan madami ang nasugatan? At nawalan ng tahanan?

Ang masasabi ko, wag kang sumubok pa na bumalik at baka sa mundo ay mapaaga lang ang iyong paghalik.

Itong sulat ko laban sa salapi at mga tauhan mo, sa maduming gawain ka lang naman nananalo, wag mo e bansag ang mga kuwarta mong galing sa karungisan.
Samakatuwid, wala ka paring binatbat!
Isa kang talunan na umaasa lang sa kapangyarihan at dinadaan lahat sa dahas!
Lumaban ka ng Patas!

Under The Casket Of Hatred And OppressionWhere stories live. Discover now