Dinidiktahang Pangarap
Araw-araw ko nilalabanan ang sarili sa mga nakahiligan kong gawin at hindi.
Araw-araw nagtutuos kung alin ba ang mas matimbang; ang puso o isipan?Mga bagay na lubos kong inaasam-asam ngunit di ko alam kung paano sisimulan.
Mga hakbang na gusto kong tahakin at subukan subalit hindi ko alam kung ito pa ba ay may katuturan?Masama ba ang mangarap?
Kung gayon bakit napakadaming hadlang sa lahat?
Hindi ko lubos maunawaan.Hanggang ngayon ay ang babaw parin ng tingin ko sa sarili, isa parin akong alipin sa sarili kong tirahan, laging dinidiktahan at walang kalayaang gumawa ng sariling hakbang.
O sadyang ako lang ata talaga ang hindi makatanggap na ganito lang ako.
Kahit anong gawin ko, walang magbabago. At kahit sabihin kong marami na akong nalampasang laban sa buhay, wala din namang saysay.
Oo aaminin ko.
Tama nga sila, sana pala talaga'y naniwala ako.
Hindi sana ako dumating sa puntong ito.
YOU ARE READING
Under The Casket Of Hatred And Oppression
Thơ caThese short poems ideas flow from my emotional self. They arrive the same way as dreams do. So always I begin with a head empty of words and let my feelings go flow. Read at your own Discretion