041

0 0 0
                                    

Artisans

Mga taong maagang namulat sa katotohanan. Mga taong napilitang maidilat ang mg mata sa maka-panibagong henerasyon. Maaga din napagtanto at naliwanagan sa mga makabuluhang bagay dito sa Mundo.

Ang sinapupunan sa likod ng magandang sining.

Sa likod ng mga nakakabighaning gawa ay ang mga nagdudusang nilalang na nakakubli sa mga salitang binubuo, sa pagdidibuho, paghahabi, paglililok, at pagpipinta.

Sa likod ng mga mapanlinlang na salita, mga kaakit-akit na guhit, mga makikinis na tela, mga disenyong nakaukit, at ang mga makukulay na pintura ay katumbas ng kanilang ipinuhunang dugo at pawis.

Ang poot, sakit, kaluwalhatian, pagdurusa at kawalan ang nagbibigay timpla sa kanilang mga gawa, na ngayon'y hinahangaan ng karamihan.
Maliban sa mga mapapait na napagdaanan, mga paninibugho, ito rin and nag-udyok upang sila ay makagawa ng obra maestra na may kaugnayan sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan. At ang nagpapabuhay sa dugong walang sigla, nagbibigay pag-asa sa mga pusong nawalan ng katiyakan, at dito mas napapadali ang pagpapahayag at pagbibigay kaalaman na may kinalaman sa paligid na hindi magawang ipahayag ng bibig.

Ang pait maisasalba pa, maaari pang mahaluan ng asukal upang maging matamis subalit ang pagsisimula sa matamis ay walang silbi, hindi mapanghamon; kung gayon ay pano tatayo kung hindi naman nadapa? Masarap ang unang tikhim, ngunit isang delubyo ang panandaliang lasap.

Sila ang mga taong dalubhasa sa larangan ng sining subalit hindi mga tanyag.
Likas na sa kanila ang ganitong talento, simula nang masilayan nila ang mundo.
Isinilang na may katangiang tunguhin, lilukin, at baguhin ang makalumang panahon.
Gayunpaman ay kinailangan nilang daanin ang dilim hanggang sa taglayin ang liwanag sa kaloob-looban at doon kumapit. Kinailangan muna nilang kilalanin ang mga sarili bago nila makita ang mga kakayahang kahit sino man sa atin ay hindi aakalain.

Sa pagdaan ng panahon, mas lalo pa nilang nakikilala ang kanilang mga sarili at unti-unting kinakatawan, hanggang sa tuluyan na ngang natutunan mahalin ang mga likhang kamay, at malayang nahubog ang sarili sa paraang makabuluhan.

Sila ang mga artisans na tinitingala ng lahat dahil sa kanilang pagiging maalam sa larangan.

Under The Casket Of Hatred And OppressionWhere stories live. Discover now