Presyo ng Bigas ay ibagsak
Isa sa pangunahing problema ng bayan,
ang bigas na hinahangad ninuman,
ay talaga namang may kamahalan, kaya nama'y marami sa ating mga kababayan ang nahihirapan.Lahat ay nagmahal; mantika, gas, asukal, at ngayon naman ay bigas.
Kawawa ang mga mahihirap!
Kawawa ang mga salat sa yaman!Hindi ito biro, marapat na wag gawing biro.
Tignan mo ang iyong paligid.
Tama pa ba ito?Mahal nga ang bigas subalit hanggang ngayon ay hindi parin magawang solusyunan.
Ako'y nahikayat isatinig ang mga walang boses.
Tayo'y magkaisa
at sumuong ng sama-sama.
Iisa ang hinaing, may iisang layunin.Mga kapwa ko estudyante at mga guro,
Kailanman ba ay naisip nyo na tama ang ating binoto?
Gayung tayo ang nahihirapan,
lalo na sa ating pang araw-araw na laban.Karamihan sa ating mamamayan ang labis na naaapektuhan.
Dahil sa baluktot na pamamahala ng mga nasa matataas na antas.Ang tanging pakiusap ko,
presyo ng bigas ay ibagsak.
Muling ibalik sa dati,
na nakasanayan ng lahat.Mga panahong mura pa ang bigas,
at nakakaya pang bilhin ng mga mahihirap.Ito ang hiling ng karamihan,
nawa'y dinggin ang munting pakiusap.
YOU ARE READING
Under The Casket Of Hatred And Oppression
PoetryThese short poems ideas flow from my emotional self. They arrive the same way as dreams do. So always I begin with a head empty of words and let my feelings go flow. Read at your own Discretion