Balang Araw
Araw-gabing kumakayod, hindi inalintana ang babad na katawan sa mainit na panahon.
Laging kinukulang sa pahinga, kaya naman sa pagsalubong ng araw ay walang sigla.Paano nga ba umahon muli
sa pagkakalugmok?Kaya naman ngayon ay naglalakad sa dalampasigan, iniwan ang munting tahanan para ilibang ang nababagot na isipan sa mga problemang lagi nalang.
At ng makarating, sa wakas ay nakalanghap narin ng simoy ng hangin, at muling nasilayan ang inaasam-asam na tanawin.
Dahan-dahan inihakbang ang mga paa, pikit-mata habang ang pagdampi ng alon sa katawan ay dinadama.
Sa bawat pagyakap ng hangin sa mga bisig, ay siya ring pagdaloy ng mga luhang hindi mausig.
Iniisip kung maaari bang tangayin ng alon ang kalungkutan o kaya naman ay dalhin sa pinakamalalim na karagatan at ng sa gayon ay maibsan ang bigat na nararamdaman.
Iniisip din kung ano ba ang dapat gawin upang makatakas sa ganitong uri ng lagim, nagdadasal ng patnubay sa Diyos upang makayang ilihis ang landas na tatahakin.Hinihiling na kung araw man na yun ay dumating, mangyaring hindi na nakakubli sa maskara na minsan narin sa buhay ay nagdumina, at maipahayag sa buong mundo ang pagiging totoo; na walang halong pagkukunwari, at muling makagawad ng tunay na mga ngiti sa labi.
YOU ARE READING
Under The Casket Of Hatred And Oppression
PoetryThese short poems ideas flow from my emotional self. They arrive the same way as dreams do. So always I begin with a head empty of words and let my feelings go flow. Read at your own Discretion