Chapter 12: Problems and Fun

33 2 0
                                    

Saturday

Olaica's POV

"We will bring this."

"No we will bring this."

"No. This.

"I said. This."

"Shut up. I'm older. We will bring this and that's final.

"The hell I care?! I'm your sister so this is what we'll bring."

"Well you must care bec--

"Shut up! Whether you like it or not. We. Will. Bring. This."

"Oh yeah? You expect me to be scared? The hell with you!"

"Why? Aren't you little missy?"

"Guess what brother? Curse you!" sigaw ko at agad siyang sinamaan ng tingin. Sino pa ba ang masamang damo na makikipag-bangayan ng ganyan? It's no other than the most conceited jerk ever!

Tentenenen--

Denver Lamprea!

Magpipicnic kasi kami ngayon para naman maarawan si Mama. At ang nakakainis lang dahil ang nauna nang nailabas sa cabinet ay yung kulay blue na panlatag namin pero ang magaling kong kuya mas pinili yung green. Mababaw na kung mababaw pero ang hirap kayang maghanap ng ipanlalatag namin tapos papalitan na lang niya ng ganun-ganun?

Ano siya? Boss?! Huh, utot niya! Grr.

"Now your cursing huh? Since when did you learn that?" mayabang na tanong niya sakin. Err, conceited talaga!

Inirapan ko na lang siya at kinuha yung blue na panlatag namin. Yun ang dadalhin sa ayaw at sa gusto niya! Kundi isusumbong ko siya kay Mojojo! Hmp.

Tumaas na ako para tiningnan kung bihis na ba si Mama. Sumunod naman siya dala yung wheelchair. At agad namang gumana ang very bright brain ko.

"Oh so sweet! You brought that for me? Awwww." I said pertaining to the wheelchair.

Tinaasan naman niya ako ng kilay-- aba't kailan pa siya natutong mag-ganun?!

"Shut. Up." Matalim niyang sabi. I just made faces and entered Mom's room.

"Ma?" Tawag namin nang makitang wala siya sa kama niya. Nilibot na namin ang buong kwarto pero wala talaga. Nagsisimula na akong kabahan. Imposibleng makalabas si Mama dito sa bahay dahil naka-lock ang gate at magdamag na nasa labas si Manang Vergie.

"Na-check mo na ba yung CR?" tanong ko kay Kuya.

"Oo pero wala siya." sagot naman niya na halatang kinakabahan rin.

"Teka, ichecheck ko lang sa baba." sabi ko at lumabas na. Pababa na ako ng hagdan nang mapansin kong bukas ang kwarto ni Ate.

"Aish, hindi nanaman siguro to sinara ni Manang."

Si Manang lang ang alam kong pumasok diyan dahil nilinisan niya ang kwarto ni Ate.

Naglakad ako papunta dito pero napatigil na lamang ako nang  makarinig ako ng mga hikbi.

W-wag mo sabihing si ate ung umiiyak?

Aish, walang oras para sa mga kalokohan Olaica!

Iniling ko na lamang yung ulo ko at naglakad nang tuluyan papalapit dito.

Pero natigil na lamang ako sa pinto nang makita kung ang nasa loob.

Si Mama nakaluhod sa tabi ng kama ni Ate habang kinakausap niya ito. Hindi ako nakikita ni Mama dahil nakatalikod siya sakin.
Ito ang gusto kong makita, ang kausapin ni Mama si Ate. Pakiramdam ko unti-unti nang bumabalik ang sigla sa aming pamilya.

Falling for the Heartbreak SuperstarWhere stories live. Discover now