Chapter 05: His What?!

54 4 0
                                    

Olaica's POV

"Argh. Sh-t this." Nakakainis! Nakakainis! Kung pwede ko lang sanang saksakin tong lalakeng to sa likod kanina ko pa ginawa! Kaso nga lang una sa lahat, wala akong dalang kutsilyo at masyadong di kapani-paniwala yun. AT! Masakit ang puson ko!

Namimilipit na ako sa sakit, parang tinutusok-tusok at mabigat ang puson ko. Aish! Nakaka-peste na ah! Kaya't natigil na rin ako sa pagsigaw-sigaw. Aba, ano ako tanga at magsisigaw-sigaw pa rin gayun at para ng may nagpi-piyesta na karayom sa puson ko? Ugh, kung anu-ano na talaga naiisip ko! At mas lalo pang nagpadagdag sa sakit yung pagtama ng puson ko sa balikat niya. Wala naman akong magawa dahil ang higpit ng hawak niya sakin. Kanina ko pa siya minura-mura at pinagpapalo-palo ngunit manhid ata to at bingi. Ay hinde, manhid at bingi talaga to!

Naipikit ko na lang ang mata ko at tiniis ang sakit dahil nahihilo na rin ako. Medyo madilim na nang napansin kong nakalabas kami. Panigurado, hinahanap na ako ni Crystal.

Argh! Ano ba kasing kailangan sakin ng lalakeng to?! Takte nan oh, naiwanan ko pa si Brace sa loob.

"Bro, masyado mo na atang dinadamdam ang pagbuhat dito kay Ms.Liit" Narinig kong sabi ng isang ka-miyembro niya. Wala yung babae kaya siguro hindi matitino tong mga to.

Pero teka nga lang, ano uli yung tinawag niya sakin?

"Oo nga naman, Zerobaby. Nasusuka na ata itong si Ms.Liit."
Mapanlokong sabi ng isa lalo na sa national term ng lahat na "Zerobaby". Agad namang nagtawanan tong dalawang nakasunod samin. Tumingala ako at agad silang sinamaan ng tingin sa pinantawag nila sakin. Ako? Ms.Liit? Hindi kaya! FYI, 5"4 naman ang height ko! Maliit ba yun? Pero kahit na ba! So pinagmamalaki na nila ang mga height nila? Argh, isaksak nila yang pesteng height nila sa lecheng baga nila!

Ngingiti-ngiti naman sila na parang baliw at nagchu-chuckle pa. No choice, so I raised them the finger. Talk about bitch huh. Ngumisi naman yung maskulado sa kanila at nagsalita.

"Later, babe" Mapanlarong sabi niya. Argh! Leche malandi naman ata to. Naalala ko siya yung boyfriend nung babae nilang ka-miyembro. Buti natatagalan niya ang ugali nito. Sinamaan ko lang siya ng tingin at umiwas na rin ng tingin. Masasayang lang ang oras ko sakanila.

Napakapa ako sa bulsa ko ng maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Baka si Crystal o Brace ito. Sinubukan kong kapain ang phone ko pero napalunok na lang ako nang mahawakan ko ang kamay nitong Zero na to. Narinig ko naman ang arogante niyang pag-ngisi kaya't parang napaso ang kamay kong ihiniwalay to. Takte, bakit parang bigla akong pinagpapawisan? Hindi, siguro dahil naka-jacket ako.

Pero sino bang niloko ko? Malamig na gayun at maggagabi na. Argh, iniling ko na lamang ang ulo ko at inalis yun sa isipan ko. Kailangan ko na talagang maka-hiwalay dito sa kanya at baka hindi lang pagpawis ang sapitin ko nito.

Napahinga ulit ako ng malalim nang tumama yung puson ko sa buto niya at napisil. Sh-t, parang binugbog ni Pacquiao yung puson ko. Anakng!

"O-ow" Hindi ko na napigilang pagdaing. Sh-t parang namanhid ang katawan ko. ANG SAKIIIITT!

"Oy, Ms.Liit okay ka lang ba?" Ang sarap lang hampasin ng makapal na libro ang nagtanong nun.

"Muka ba akong okay?!" Dala siguro ng pagka-irita ay napalakas ang pagkakasabi ko nun.

At HALLELUIAH! SALAMAT NAMAN AT HUMINTO NA RIN! Nun ko lang napansin na nasa tapat kami ng girl's dormitory. Binaba naman niya ako at agad akong napahawak sa puson ko. Sh-t sh-t sh-t ang sakit talaga! Napaupo ako sa sakit at napapikit ng mariin. Argh, damn this dysmenorrhea!

"Hey, stand up lady. What are you doing?" Leche ka talagang Alviar ka! Ang kapal naman ng muka mong tanungin kung ano ginagawa ko! Hindi ba halatang namimilipit na ako sa sakit?!

"Leche ka! Nagpa-planking ako dito! Sa tingin mo makakatayo pa ako dito?! Damn you! Ang sakit ng puson kooo~!". Mapapatay ko talaga tong lalakeng to oras na naging maayos ang lagay ko! At siaiguraduhin kong papaduguin ko rin ang talong niya!

"Buntis ba to pre?" Argh! TANGA! Mas lalong sumasakit puson ko sa mga pinagsasabi nila!

Sinubukan kong tumayo dahil hindi ko na matatagalan makasama tong mga to. Para akong matandang iika-ikang naglakad papunta sa pinto ng dorm. Hawak-hawak ko ang puson at likod ko habang naka-kuba.

"Ah! Alam ko na! Baka may ano siya, ano na ba yun? Yung pag dinudugo ang babae. Ah! DIARRHEA!"

TANGA TALAGA! Wala na akong oras para lingunin pa sila kaya't pinagpatuloy ko na lang ang paglakad ko. Pfft, Diarrhea? More like Dyrsmenorrhea.

"Yun ba yun, pre?"
"Oo, oo yun yun!"

At nag-usap pa yung dalawang tanga. Jeez, sinong makakatagal sa kanila? Baka pati panganganak ng magiging asawa nila, akalain nila natatae lang ng malaki.

"Lamprea!"

Oh shut up, Alviar! Wag kang lilingon Olaica, wag na wag kang lilingon.

"OLAICA DAWN LAMPREA!"

Wala lang yun Olaica, wag kang lilingon. Ayan,malapit ka na sa pinto. Makakalayas ka na rin sa kanila.

"Aray!" Napasigaw ako nang maramdaman kong may tumama sa ulo ko na matigas na bagay. Anakng! Ano bang kailangan ng lalakeng to?! Okay last na to, pagkatapos kong lumingon swear! Hinding-hindi ko na papansinin o kaya'y lalapitan siya at ang bandang niya.

Dahan-dahan akong lumingon at tumingin sa kanila. Nakita ko ang sapatos na binato niya sakin. Alam ko to ah, ginawa ko na to sakanya kanina. Hindi talaga to tinubuan ng salitang 'gentleman'

Nakapamulsa siya at naka-smirk nang humarap ako. Nito ko lang napansin na may mga nakatingin na samin na ibang students. Dala siguro ng kuryosidad ay natahimik ang paligid at parang huminto ang lahat sa mga ginagawa nila. Maging ako natahimik at nakatingin lang rin sa kanila. What's with the scene?

Tinaasan ko na lamang sila na parang sinasabing 'bakit?'. Humakbang siya ng isa at kasabay nun ang pagbigkas niya ng isang salita.

"Be"

Isang hakbang.

"My"

Isang hakbang.

"Girl"

"WHAAAAATTTT?!"
"KUHANAN MO NG VIDEO DALI!"
"ANONG NANGYAYARI SA ARAW NA TO?!"
"NOOOOO! ZEROBABY!"

O_O

Tatlong salita pero pakiramdam ko para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

Oh ghad, Kill me now!

Falling for the Heartbreak SuperstarWhere stories live. Discover now