Chapter 21: Feelings

37 4 0
                                    


Olaica's POV

Bwisit! Bwisit! Bwisit! Wala na akong ibang choice kundi tanggapin ang katotohanang sila ang makakasama ko sa tents kesa naman manigas ako sa lamig dito sa labas. Andito na lang sana si Crystal para kahit kaming tatlo na lang nila Brace. Epal kasi tong Babi na to eh.

Andito na kami ngayon sa camping site specifically inaayos ang tent namin. At nakakainis lang dahil sitting pretty ang walang iba kundi si Brace.

"Hoy Brace Schutz! Tumulong ka nga dito! Wala ka sa bahay niyo!" sigaw ko sa kanya pero nagwait sign muna siya at ininom ang orange juice na Zest-O sa tabi niya. Feel naman niya magrerelax kami sa Team Building na to eh halata namang papahirapan kami ng mga prof. Sa mga pinaplano pa lang nila eh. At buti na lang talaga at malaki itong tent actually lahat naman malaki. Mamaya kung ano pa ang gawin ng mga to eh... HINDI AKO NAG-AASSUME OKAY?! Tsk.

Kanina pa namin inaayos tong tent pero hindi namin magawa-gawa. Eh hindi rin naman pala marunong mag-ayos ng tent tong Babi na to eh! Tsaka hindi rin ako marunong, lagi kasing sila Ate at Kuya ang nag-aayos tuwing nagcacamping kami.

"Teka nga lang, asan na yung Brace na yun? Dapat nag-aayos na siya ah." Bigla ba namang nawala kanina sa pwesto niya, sabi ko tumulong siya dito eh. Hindi mo talaga maaasahan yun.

"Hoy Babi! Iwanan muna kita dito titingnan ko lang si Brace." sigaw ko kay Babi na kanina pa rin nag-aayos ng tent pero hindi matayo-tayo. Hindi niya lang naman ako pinansin kaya't umalis na ako at hinanap yung Brace na yun.

Asan na ba kasi yun?

Nilibot ko ang paningin ko sa buong site pero ni anino niya hindi ko makita. Makapunta nga sa CR baka andun. May parang kubo kasi dito tapos andun yung mga prof at nandun rin yung mga CR.

"What the! Bitawan mo nga ako!"

"Eeee, don't you know that I've been hanap-hanap you? Akala ko you went to America to study? How dare you lie lie to me?! Hmp!"

"Pwede ba? Kaano-ano ba kita? Bitawan mo nga ako at umuwi ka na sa inyo!"

Te-ka, kilala ko yung mga boses na yun ah. Pumunta ako sa parteng yun para iconfirm kung sila nga.

At hindi nga ako nagkakamali.

"Sofia?!" gulat kong sigaw. Pano niya nalaman na andito kami? Ang bilis namang masagot ng hiling ko este-- Napatingin naman sila sakin at agad namang sumama ang tingin sakin ni Sofia nang makita ako.

"Olaicaaaa! Honeybuuunch! Ilayo mo ko sa garapatang to!"

"I'm not garapata! That eeww!"

Tsk, ayan nanaman yung kaconyohan niya. Kaya nakakarindi to eh. Napatingin naman ako kay Brace na parang sumesenyas sakin. Oh right, kailangan ko palag magpanggap nito na girlfriend niya. Lumapit ako kay Brace at ihiniwalay ang kamay ni Sofia sa damit niya na kulang na lang ay mapunit sa pagkakakapit ni Sofia.

"Teka Sofia, umuwi ka na baka hinahanap ka na ni Tita."

"I'm not. I make paalam to her and she said yes. I dala with me my bodyguard Ken and Koby."

"Ano?!"

Anakng! Dinala niya yung kambal na yun?! Disaster to!

"Yes so you chupi chupi na before Kuya Ken and Koby kita you hokding Brace. They will surely be galit."

Waaahhhh! Bakit Sofia?! Bakit mo dinala yung kambal na yun?! Kung alam niyo lang... kung alam niyo lang talaga... huhu.

"Please Sofia umuwi na kayo ni Ken at Koby."

Falling for the Heartbreak SuperstarWhere stories live. Discover now