Chapter 20: Tentmates

40 3 0
                                    

Olaica's POV

Alasdose na ng hating gabi. Lahat kami andito ngayon sa kwarto ni Crystal.

Si Crystal nakabusangot ang muka nang malaman na hindi pa matatanggal ang neck brace niya.

Si Brace nakakunot ang noo na nakatingin sakin. Malmang dahil kay Zero at Val.

"What?" maang na tanong ko sa kanya. Umiwas naman siya ng tingin at napalunok.

Si Damon kanina pa humihilik at himbing na himbing sa pagtulog. May tumulo pa ngang laway sa sofa eh. Yuck.

Si Zero ayun, sobrang sama ng tingin sakin. Kulang na lang maging abo ako dito. Jeez,nasipa lang siya daig pa ang naputulan ng kamay sa iniindang sakit.

At si Val, the oh-so-gago Val. Tss, ayun may hawak na cold compress para sa namamaga niyang mata. The cause? Sisihin niyo kamao ko.

"Huhuhuhu. Ang sama mo bestfriend ni Crystal. Mawawalan na ako ng chikabebes nito. Huhuhuhu--"

Pfft. Kulang na lang maging bibe labi niya sa sobrang nguso. Hindi naman ako makatawa nito ng malakas dahil wala sa atmosphere nito sa room. Isang pitik pa nga lang ata dito eh magkaka-gyera na.

"Uhh, Olaica dito ba kayo magstestay?" tanong ni Crystal. Ngumiti lamang ako ng makahulugan kay Crystal. Napakunot naman ang noo niya dahil dito. Malalaman mo rin mamaya Crystal.

Tumayo na ako at nag-inat. Kailangan na naming umalis dahil bukas na yung Team Building at hindi pwedeng mawala kami doon. Malaking puntos sa curricular activities namin ang mawawala.

"T-teka, aalis na kayo? Pano na ko? *pout*" tanong ni Crystal.

"Don't worry Crystal." tangi ko na lamang nasabi. Napatingin na lamang ako nang batuin ng unan ni Zero si Damonyo.

"Yung bataaaaaa!" Pfft! Bigla na lamang niyang sumigaw dulot ng pagkagising. Ano naman kaya napapaginipan nito?

"Hahahahaha!" malakas na halkhak ni Val.

"Who threw that fcking pillow in my face?!" umuusok sa galit na sigaw ni Damonyo. Natatawa naman na tinuro ni Val si Zero.

"Get your ass of, a-hole." cool na sabi ni Zero at nauna ng lumabas. Natatawa naman na sumunod si Val at umuusok sa galit na sumunod rin si Damonyo. Sumenyas naman sakin si Brace na tumatawa rin na lalabas na. Psh, mga childish.

Lumapit na ako kay Crystal at nagpaalam.

"Mauna na kami Crystal."

"Teka, sinong kasama ko dito?" Ang kulit talaga nito, sabi ng wag siyang mag-alala eh. Aba, hindi ko to papabayaan no.

"Diba sabi ko wag kang mag-alala? Alam mo namang hindi kita papabayaan." naninigurado kong sabi. Labag sa loob na tumango lamang siya. Paniguradong papasalamatan mo ko pagkatapos nito Crystal.

Nagwave na lamang muli ako ng kamay sa kanya at tuluyan ng lumabas. Nang maisara ko ang pinto ay tamang-tama naman na dumating siya.

"Thank you so much iha."

"Walang anuman po. Basta sana tuluyan na po itong maayos." magalang kong sagot. Tumango naman siya at ngumiti kaya't sinuklian ko ito. Kinausap niya ako kanina tungkol dito at pumayag naman ako. Paniguradong maganda ang resulta ng pag-uusap nila. Binuksan na niya ang pinto at pumasok.

"D-dad?" huli kong narinig na sabi ni Crystal bago ako tuluyang umalis.

*****

Naabutan ko lamang si Damon sa likod ng driver's seat na natutulog nanaman. Asan naman yung tatlo?

Falling for the Heartbreak SuperstarWhere stories live. Discover now