Chapter 10

32 2 0
                                    

Olaica's POV

~Di mo alam dahil sayo ako'y di maka-kain

Di rin makatulog buhat ng iyong lokohin

Kung ako'y muling iibig

Sana'y di maging katulad mo.

Tulad mo na may puso---

"Ate pwede pakipatay yang music mo? Ang sakit kasi sa tenga eh. Kung mag-eemote ka sa Luneta ka umiyak, baka sakaling pakasalan ka pa ni Jose Rizal."

Hindi sa mamasamain pero nakakainis tong katabi ko eh. Bukod sa pineplay niyang jeje na kanta, eh with iyak effect pa siya. Sinong hindi maiinis dun?

"Pati ba naman ikaw susungitan ako? Ang sakit sakit na ng ginawa sakin ni Karlito dadagdag ka pa? H-hindi ko na to k-kaya. MANONG BABABA PO AKO, HAHABULIN KO SI KARLITO! PAPAKASALAN KO SIYA DAHIL AKIN LANG SIYA!"

Hala, walang aagaw sa Karlito mo. Pangalan pa lang mabantot na. Huminto naman yung bus at bumaba itong babaeng katabi ko na umiiyak-iyak pa. Aba't san niya naman hahanapin ang Karlito niya sa damuhan na paligid? Baka ginawa na yung scarecrow sa palayan.

"Ibang klase na talaga ang mga kabataan ngayon. Pati pagpapakasal dinadaan na lang sa loko."

At sineryoso talaga ng mga tao dito ung sinabi nung babae? Aba't naging instant celebrity ang dating niya ah.

Aish, kung bakit kasi pinasakay na lang ako ni Crystal ng basta-basta sa mga bus dito eh hindi ko naman alam kung saan ako bababa.

Basta sabi niya kung makita ko na raw yung City Hall ng lugar namin eh bumaba na ako at sumakay sa mga nakaparadang jeep dun dahil dadaan yun sa harap ng bahay.

Eh pano na lang kung iba ang mababaan ko? Eh di mawawala na ako nito. Kung bakit kasi dumating pa ang parents niya galing sa ibang bansa.

Pinauwi kasi siya para sa pagdating ng magulang niya dahil may gaganaping welcome party sa kanila. At may big announcement raw kaya't kailangan andun siya.

Aish, bahala na si Ironman.

*****

"PARA PO SA TABI!" Sigaw ko nang makitang nasa tapat na ako ng bahay namin. Nagpreno naman yung jeep na sinakyan ko at huminto kaya't bumaba na ako.

Buti na lang talaga hindi ako nawala kanina. Salamat sa instructions ni Crystal.

Napatingala ako sa bahay namin at huminga ng malalim. Ito na lang ang natitira saming kayamanan kaya't sobrang iniingatan namin to dahil ito ang pinatayo ni daddy noong nabubuhay pa siya.

9:00 na ng gabi kaya sana hindi pa tulog sila mama. Napahawak ako sa braso ko nang lumakas ang hangin.

Jeez, ang lamig kahit nakaja--, napatingin ako sa suot ko nang maalala ko nanaman ang sinabi sakin ni Crystal nang hinatid niya ako sa bus.

Flashback

"San mo kinuha yang jacket na yan?!"

Eh? Ano nanaman bang problema nito? Hindi ba niya alam kung kanino to? Eh siya lang naman ang nakaka-alam ng mga pumunta dun sa clinic.

"Aba't bakit ako ang tinatanong mo? Tingin mo ba alam ko rin? Nakita ko lang to sa tabi ng bag ko. Eh wala akong jacket kaya't ito na ang sinuot ko."

"Weehhhh? Alam mo ba kung kanino yan?"

"Paulit-ulit? Sabi ng hindi diba?!"

Nahawa na siguro to sa pagka-bingi ng Zero na yun. Aish! Bakit nanaman ba sumagi sa isipan ko ang taong yun?!

Falling for the Heartbreak SuperstarWhere stories live. Discover now