Special Chapter: Crystal's Anger

49 3 0
                                    


Crystal's POV

"Oo, papunta na ako diyan."

"Wag mong kalimutan yung pinabili kong Choco Drink ha!"

"Choco drink nanaman... hayy, parehas lang kayo ni Olaica!"

"S-si H-honeybunch nga. K-kamusta na kaya siya?"

"Ah, uhm sige Brace end ko na yung call."

"Uy! Okay ka--"

*toot* *toot* *toot*

Hindi ko na inintay pa na magsalita si Brace at inend ko na yung call. Pakiramdam ko tutulo nanaman ang luha ko pag nagkataon. Yung babaeng yun! Miss na miss na miss na miss na miss ko na siya. Simula nung nangyari kagabi, hindi na maalis sa isip ko yung mga sinabi niya sakin.

Hindi na siya si Olaica, hindi na siya yung babaeng lagi akong binabara. Parang wala na lang kami sa paningin niya.

Pero magka-gayunpaman, alam kong may rason siya sa lahat ng to. Sana lang, mabigat itong rason niya at talagang dapat siyang maging ganun samin.

*knock*knock*

Andito na ako sa tapat ng condo unit ni Brace. Magpapaturo kasi ako sa kanya magluto. Eh sa pagkakaalam ko, masarap magluto tong lalakeng to. Kaya siya na nilapitan ko. Besides, meron pa bang iba?

Binuksan niya na yung pinto kaya't pumasok na ako at agad sumalampak sa couch niya. Hayy, kapagod akyatin yung stairs. Out of order yung elevator eh.

"San chocate drink ko?" parang bata na nagaabang ng pasalubong niyang tanong. Bwahahahaha! Maloko nga to.

"Hanapin mo." sabi ko sa kanya. Kumunot naman noo niya at tumayo sa harap ko.

"Tss, ibigay mo na kasi. Nanunuyo na lalamunan ko oh."

"Edi uminom ka ng tubig!"

"Ehhh, ayaw ko. Gusto ko yang Moo!"

Moo siya ng moo, nagmumuka na siyang baka.

"Hanapin mo nga!" sigaw ko sa kanya. Hawak ko sa likod ko yung plastic ng Moo niya at buti na lang nakaupo ako kaya't kahit tumingin siya sa likod ko, wala siyang makikita dahil nahaharangan ito ng sandalan ng couch.

"Hindi mo ibibigay?" nanunubok niyang tanong. Binelatan ko lang siya at tinawanan.

Pero nagulat na lang ako nang maglean forward siya sakin. Napasandal ako sa couch ng di-oras habang siya ay nakatingkayad sakin kasama ang buong katawan.

"A-anong--" Napalunok ako ng mariin. Shet, bakit ako pinagpapawisan at parang ang init ata?

"Asan Moo ko?" Napapitlag na lamang ako nang lumapat ang mainit na hininga niya sa pisngi ko. OMG, parang may nagkakabuhol sa tyan ko at hindi ako makahinga ng maluwag.

Naitulak ko siya ng di-oras at dali-dali akong tumayo.

"A-ano s-sa tingin m-mo g-gina-ginagawa mo?" Oo alam kong nauutal na ako. Nagpapapaypay rin ako sa sarili ko dahil parang sobrang init ata. Naka-aircon naman sa condo niya ah.

"Mainit ba?" Aba! Nagtanong pa siya! Sinamaan ko lang siya ng tingin at inihagis sa muka niyang yung Moo pero nasalo naman niya. Agad kuminang ang mata niya nang makita ito. Psh, ang childish.

"Moooooo!" sigaw niya. Ayan, nagmuka tuloy siyang baka. Tinigil ko na ang pagpaypay sa sarili ko at pumameywang sa harap niya.

"Oh, anong ituturo mo sakin ngayon?"

Falling for the Heartbreak SuperstarWhere stories live. Discover now