Chapter 06

41 4 0
                                    

Olaica's POV

Ano ba tong nangyayari? Baliw ba siya? Retard? Gunggong? O sadyang bumaligtad lang ang utak niya?!

"Nahihibang ka na ba?!"

Dinig ko ang pag-gasp ng mga nanunuod sa sinabi ko. Wala na akong pake kung anuman ang isipan nila. Ang point ko lang, ano yung pinagsasabi niyang be my girl?! Ano ako? Bagay na basta basta na lang niyang pwedeng ariin?! Hell no!

Napatigil rin yung dalawa niyang kabanda at tiningnan siya na parang nababaliw na. Oo tama kayo, BALIW NA SIYA! Nakahithit siguro tong katol o baka nasobrahan sa pag-memorize ng mga kinakanta niyang lyrics. Kaya't ayan, kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig.

Lumapit naman siya sakin kaya't medyo napaatras ako.

Lapit

Atras

Lapit

Atras

Lapit

At-- dug. Sheyt, dead end.

Napasandal ako sa dingding dito sa harap ng dorm.

Gulp, bakit parang biglang uminit? Para akong tinakasan ng kaluluwa ko kaya't hindi na ako makagalaw.

Isinandal niya ang kamay niya sa magkabailang dulo ng ulo ko. S-sobrang lapit niya sakin. Waaaaahh! Bakit parang kinakabahan na naiihi na nang-iinit ako?! Bakit?! Ano ba tong nangyayari sakin?! Kailangan ko ng magpacheck-up dahil baka kung ano nang nangyayari sa katawan ko.

"Why Ms.Lamprea? Para kang kinakabahan?"

Sheeyyytt! Ang husky na ang lamig ng boses niya! Dumampi ang mainit niyang hininga sa pisngi ko. Jusko, ano ba to?! Nangangatog na ang tuhod ko na parang anytime ay mapapaupo na lang ako.

"Ha? H-hindi k-kaya!" At bakit ako nautal?! Grabe, tinatraydor na ata ako ng katawan ko. Lalong-lalo na tong mata ko na tinititigan ang muka niya.

Mula sa kanyang mapupula at manipis na labi, sa kanyang ilong na tinubuan ata ng karayom sa sobrang tangos, sa kanyang bruskong panga na laging gumagalaw kapag siya'y ngumingisi, sa kanyang kilay na dinaig pa ang babae sa perpektong hugis, sa kanyang mala-tsokolateng mata na sobrang lalim kung makatitig at sa mahaba niyang pilikmata na nakataas. He's a damn alpha, oh ghad.

Napasinghap ako at ang mga itsusero't-itsuserang nanunuod nang idampi niya ang palad niya sa noo ko. Oh ghaadd, hindi ako to!

"*chuckles* pinagpapawisan ka Ms.Lamprea"

Ang pagtawa niya! Sh-t ang pagtawa niya! Bakit ba ganun siya kaperpekto?!

"H-hoy! H-hindi a-ah!"

Agad siyang ngumisi nang sumagot ako. Jusko po, pati dila ko tinraydor na ako. Waaahh! Ayoko na!

*click*

Nagpantig ang tenga ko nang makarinig ako ng tunog ng camera. Sh-t, para akong natauhan dahil dun.

Sa natitira kong lakas, tinulak ko siya pero isang hakbang lang ata patalikod ang naging impact sa kanya. Sa liit ba naman ng katawan ko?! Oo na, ako na maliit! Eh sampong kutsara ata ng enervon ang iniinom nito at buong araw naggy-gym.

Pero sh-t naman, sinong hudas barabas ang kumuha samin ng litrato at nang mapatay ko! Or rather, sinong MGA.

Lahat ng students kinukuhanan kami ng litrato at bago pa man rumami ang mga nanunuod ay tumakbo na ako papasok ng dorm. Nawala ata ang sakit ng puson ko dahil dun at napalitan ng mga paru-paro.

Agad kong sinarado ang pintuan nang makapasok ako sa room namin. Napahawak ako sa dibdib dala ng sobrang hingal. Tinakbo ko lang naman ang hagdan paakyat para maiwasan ang mga mapanuri nilang mga mata sakin.

Falling for the Heartbreak SuperstarWhere stories live. Discover now