Chapter 19: Baby

44 3 0
                                    


Olaica's POV

Sumalubong samin ang malamig na hangin pagtapak pa lang namin sa rooftop nitong hospital. Nakakatuwa lang isipin na ang taong ayaw na ayaw ko at dahilan ng mga paghihirap ko sa buhay ay kakausapin ko at kasama ko pa ng walang nagaganap na patayan-- ay, este sakitan. Well, bukod na lang sa pantotorture ko sa kanya sa isip ko.

Naiwan sa baba si Brace, na pilit pang sumama, at si Damonyo na kating-kati nang umuwi. Hindi ko alam kung pano ako napasunod nitong Zero na to basta tumatak lang sa isipan ko yung sinabi niya na,

"I know you've got many questions running through your mind. Let me answer them for you."

Napakasimple ng sinabi niya no? Pero dahil dyan, napasunod niya ako. Eh totoo naman kasi eh, marami akong gustong itanong sa kanya.

Umupo kami sa railings sa may dulo ng building. Tanaw ang buong siyudad sa pwesto namin.

Ooh, how I love the citylights.

Gano katagal na ba nung huli akong nagsight seeing? Maybe a year ago? Or years ago? I don't know.

"Spill it."

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya bago magsalita. Hindi ko na dapat papalampasin ang pagkakataon na to na tanungin siya sa mga bagay-bagay.

"Pano-- pano mo nalaman ang pangalan ko?" Alam naman siguro niya ang tinutukoy ko. Nung araw ng gig nila dito sa school nung hinagisan ko siya ng sapatos, pano niya nalaman ang apelyido ko?

Eh ni hindi ko nga siya nakaka-encounter pa. Atsaka, nung pagdating nila dito diba tumingin siya sakin nun? Nung nasinagan lang kasi ako ng araw tapos pagtingin ko sa baba eh ngumingisi na siya sakin. Kaso ayoko nang itanong sa kanya yun, mamaya hindi pala ako yung tinitingnan niya. Lalaki lang ang ulo nito. Sasabihin nanaman niya na feel ko masyado. Ganun naman siya eh!

"It's in your ID."

Eh?

Oo nga no? Bakit hindi ko naisip yun? Anobayan, napapraning nanaman siguro ako. Nakakahiya rin yun ah!

Napakagat ako sa labi ko at nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba ang pagtatanong. Hindi ako makapaniwala na, for the first time, tinubuan ako ng hiya sa kanya. Milagro yun no!

"That's it?"

Hindi ko namalayan naiiling ko na ang ulo ko sa pagtanong niya. Traydor kang ulo ka! Napamental facepalm ako dahil dito. Okay, since makapal naman ang muka ko, papanindigan ko na!

"Bakit mo ko tina--" Napatigil ako sa sana'y itatanong ko, nang mapagtanto ko kung ano ito. Shet naman, tatanungin ko ba sa kanya kung bakit niya ko sinabihan ng be my girl nung gabing yun?! Baka kung ano ang isipin niya!

Pero, nakaka-curious kasi eh!

Pero baka sasabihin niya
na masyado kong dinibdib yung sinabi niya, kahit hindi naman!

"Bakit ko?"

Napalunok ako nang marinig ko ang malalim na boses niya na nagtatanong. Ano na Olaica? Sasabihin mo o hindi?

Aish! Mapapatay ko na talaga ang dila ko sa pantatraydor sakin!

"Bakitmokotinanongmaginggirlfriendmonunggabingyun?!"

"Huh?"

Aish! Ano ba yan, dumiretso na ba ang dila ko at hindi huminto sa pagsasalita? Aba't genius ka na kung naintindihan mo ang sinabi ko!

"Basta wag kang mag-isip ng kahit ano ha?!" pasigaw kong tanong sa kanya. Naguguluhan naman na tumango siya. Lumunok muna ako ng mariin bago tuluyang nagsalita... ng maayos.

Falling for the Heartbreak SuperstarWhere stories live. Discover now