Chapter 18: With them

25 2 0
                                    


Olaica's POV

Nanginginig ang kamay na pinulot ko ang phone ko. Aligaga ko namang iniligay ito sa bulsa ko. Natatakot at kinakabahan ako.

Ayoko...

Ayokong nanamang mawalan ng taong importante sa buhay ko. Pero kahit ganon, wala pa rin akong pinakitang emosyon sa harap ni Zero. Ayokong magmukang mahina nanaman. Natatakot na ako sa magiging resulta nito.

"Hey, you okay?"

"O-of co-course. Why would I not b-be?" Kahit alam kong nakakahalata na siya, hindi pa rin ako umamin. Naglakad na lamang ako papunta sa gate at dun lamang tumama sa isipan ko ang tanong na to...

Pano niya nalaman ang lugar na to?

Sa sobrang lawak ng Empire High imposibleng ganun na lamang niya kadali itong mahahanap. Pero hindi ko muna inalintana iyon.

Ang bestfriend ko, n-nasa panganib.

Mula sa mababagal kong lakad ay unti-unti ko itong binilisan.

Unti-unti, hanggang sa namalayan ko na lang, na tumatakbo na ako. Hindi ko alintana ang posibilidad na baka maubusan ako ng hangin. Kailangan ako ni Crystal. Gusto kong malaman ang kalagayan niya.

Pinagtitinginan ako ng mga estudyante na nakakasalubong ko, marahil sa nangyari kanina. Pinabayaan ko na lamang ito, dahil alam kong dodoble ang sakit na andirito sa puso ko.

"Hugh,hugh,hugh,hugh--"

Hinihingal kong sambit nang huminto muna ako. Napahawak akosa dibdib ko. A-ang sakit, hindi ako makahinga. Lumunok ako ng mariin at tatakbo na sana ulit pero nagulat na lamang ako nang may bumuhat sakin!

"A-anong--"

Naputol kong sasabihin nang makita kung sino ito.

"ZERO?! Teka, ibaba mo kong lalake ka!"

Maraming nakatingin samin at natatakot ako na baka husgaan nanaman nila kami. Tulad ng nangyari noon.

"Just shut up and let me carry you."

Hindi na lamang ako nakapagsalita dala ng gulat. Hahayaan ko muna ang sinisigaw ng isip ko na 'Bakit ka nag papabuhat sa kanya?! Diba ayaw mo sa kanya?!'

Diba, pati utak ko ayaw sa kanya. Yung inner voice ko lang ang hindi. Huh, manigas siya dyan.

"HONEYBUNCH!"

Napatingin ako sa direksyon ng sumigaw niyan na isang tao lang naman.

Si Brace.

Humahabol siya samin dahil patuloy lang sa pagtakbo si Zero.

"T-teka, tigil ka muna." sabi ko at mabuti naman at tumigil siya. Naabutan naman kami ni Brace at napangiwi na lamang ako nang salubungin niya ako ng malakas na sigaw.

"Bakit ka nagpabuhat sakanya?! Ako ang boyfriend mo! Ako lang dapat ang hahawak sayo! Bitawan mo nga yang bewang niya!" sigaw niya at pilit inaalis ang kamay ni Zero sa bewang ko. Napapitlag na lamang ako nang maramdaman kong hinigpitan niya ang kapit sa bewang ko. Napakurot naman ako sa leeg niya dahil dun.

"Aray ko! Pwede wag mong diinan?! Masakit kaya!" sigaw ko sa muka niya. Halata namang nainis rin siya sa ginawa kong pagkurot sa leeg niya.

"Eh bakit ka nangungurot?! Tsk." sigaw naman niya pabalik.

"Bakit mo kasi diniinan ang hawak sa bewang ko?!"

"Eh di mahuhulog ka!"

"Pwede mo namang itayo ako ng maayos!"

Falling for the Heartbreak SuperstarWhere stories live. Discover now