Chapter 08: He Cried

47 3 0
                                    

Olaica's POV

"Ano ba Brace, wag mo ngang ubusin! Para kay Olaica yang mga fruits na yan!"

"Okay lang naman sakanya yun."

"Anong okay?! Kung sakanya oo sakin hindi!"

"Ugh." Ang ingay ng paligid.

"Sshhh, magigising mo siya Crystal."

"Argh, yuck so gross, bakit mo hinawakan bibig ko?! Mamaya kung san mo yan hinawak!"

"HAHAHA, Actually kai-ihi ko lang."

"Bastos! Dugyot! Tse!"

Goddamn it, ano ung maingay na yun?! Dahan-dahan kong minulat mata ko at sumalubong sakin ang dalawang tao na parang aso't-pusa kung mag-away.

"Olaica!" Sabay pa nilang sabi. Para silang magnet, laging magkabaliktaran ang opinyon o gusto pero parehong maingay. Opposite do attracts nga talaga, pero sa kalagayan nila, sa mga opinyon lang. Eh paano ba naman, ang ingay ingay nilang dalawa!

"Asan ako?" Sa dinami-dami ng nakwento ko ngayon lang ako na-curious kung nasan ako.

"Nasa clinic ka honeybunch." Clinic? Parang hindi naman ah.

"Ng college empire" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Crystal. College? Eh?

"Bakit? Pano?" Naguguluhan kong tanong.

"Wala kasi si Dr. Jung kanina. May urgent operation siya, eh yung substitute naman niya hindi kaya ang kalagayan mo kaya't isinugod ka na lamang namin dito sa college empire dahil ito na rin ang pinaka-malapit sa school natin."

Si Dr.Jung yung professional doctor ng school namin. T-teka, ano na nga pa lang nangyari sakin?

"Olaica, buti na lang na-CPR ka agad dahil baka matuluyan ka nang malagutan ng hininga. Nawalan ka kasi ng malay, dala na rin daw siguro ng pagod at, Olaica--" Napatingin ako kay Crystal nang biglang parang nag-aalinlangan yung muka niya. May hindi ba sila sinasabi sakin?

"Sabihin mo na."

"Ikaw na kaya."

"Bestfriend ka, ikaw dapat magsabi."

"Duh, diba sabi mo boyfriend ka, mas dapat ka."

"Stop with the mumbling. Ano yun?!" May halong kaba at pananabik kong sabi. Mas lalo lang nilang pinapa-suspense eh!

"Olaica, s-sabi ng doctor. L-lumalala na raw ang asthma mo. Kailangan mo na raw tumigil sa pagvo-volleyball."

WHAT?! No. H-hindi pwede!

"Nagsisinungaling ka lang Crystal diba?" Hindi ko pwedeng itigil ang pagvo-volleyball ko. Buhay ko na yun. Nakasanayan ko na yun. Kaya hindi pwede!

"S-sorry Olaica, pero masyado daw magalaw ang larong yun. Mapapagod agad ang baga mo. A-at hindi raw basta-bastang asthma lang yan."

WHAT?! Naguguluhan na ko. Anong hindi lang basta-basta?! Sa pagkaka-alam ko, asthma lang to. No other than that. Yun ang sinabi sakin ni mama.

Argh! Ano ba tong nangyayari sakin?!

Lumapit sakin si Crystal at hinawakan ang kamay ko. T-teka, bakit siya umiiyak?! Takte naman oh, mas lalo akong kinakabahan.

"O-olaica, m-may,m-may--" Natigil na ni Crystal ang sasabihin niya nang tuluyan na siyang napa-hagulhol.

"Ano ba Crystal! Bakit ka umiiyak?! Peste naman oh, sabihin niyo sakin! Ano bang nangyayari?! A-ano?!"

H-hindi ako pwedeng magkasakit! Pinangako ko kay ate na pag-iigihan ko ang pagvo-volleyball. Hindi ko kayang bumitaw sa pangakong yun. P-parang bumitaw na rin ako kay ate.

Falling for the Heartbreak SuperstarWhere stories live. Discover now